CHAPTER THREE

2.6K 99 18
                                    

Kulang na lang ay paliparin ng driver ang sasakyan sa bawat utos ni Celine na bilisan ang pagmamaneho. Ni isang salita ay walang sinabi ang anak na kasama sa nakakagimbal na balitang inihatid sa kanila. Nagiba ang kanilang mundo. Halos kakabangon pa lang nila sa pangungulila sa ama, at ngayon naman...

***Bakit nangyayari ito? Anong dahilan? Bakit?***  tanong nito sa kanyang isipan.

Hindi pa man din ganap na humihinto ang kotse ay humangos na palabas ang ina at kapatid patungo sa pinaglalagakan ng panganay na anak. Halos hindi sila makadaan dahil sa dami ng mga reporters at supporters ng sikat na artista. Hindi makaya ng mga security guards ang paghawi kaya't ang administrasyon ng ospital ay nagpatawag na ng pulis.

"Mrs. Howell, ako po si Alma. Manager po ni Maxine. Ako po ang iniassign ng network nung tumira na kayo sa UK," isang babae ang tumawag sa pansin ng humihingal ng ina at anak.

"Nasaan ang anak ko?!" halos pasigaw nitong tanong.

"Kumalma po muna kayo, mam," sambit nito habang inaalalayan.

"Huwag mo akong pakalmahin. Dalhin mo ako sa anak ko!"

Wala mang anak ang babaeng lumapit, naintindihan nito ang nararamdaman ng ina ng kanyang alagang artista. Hawak ang kamay ng ina ay iginiya niya ito sa isang saradong kwarto habang kasunod ang bunsong anak na hindi pa rin nagsasalita.

Tanging ang echo ng kanilang mga paghinga at yabag ang maririnig sa pagpasok nila sa malinis at maputing kwarto. Tanging isang mahabang metal na lamesa ang nasa gitna na natatakpan ng isang puting tela. Dahan-dahang lumapit ang mag-ina. May takot sa kanilang mga dibdib at panalangin na sana'y hindi ang taong inaasahan nila ang makita nilang nakatalukbong.

Sa malamig na hanging nagmumula sa aircon, nakadagdag sa kanilang pangangatog ang kaba. Nanginginig ang kamay ni Celine ng iniangat ang kumot.

"Diyos ko!!" humaulgol ang ina ng makita ang panganay na anak na wala nang buhay. "Maxine!!! Maxine!! Anak ko!!!" paluhod itong bumagsak sa sahig na tumangis na sinalo ng babaeng kasama nila. Nakatayo lamang ang bunsong anak na tila shocked na makita ang ate niyang maputla ang kulay, sarado ang mga mata at hindi na humihinga.

"Anong nangyari sa'yo anak ko!? Anong nangyari sa anak ko!?!"

"Mrs. Howell..." hindi malaman ni Alma ang sasabihin. Kahit sino namang ina o kaanak na namatayan ay magiging ganito ang reaksyon. Wala mang magawa kaya't umiyak na lang din ito kasabay ng naulila ng kanyang alaga.

Lumakad paikot sa kabilang side ang bunsong anak habang nakatitig pa rin sa kapatid. Ang kamay niya ay ipinatong sa malamig na noo habang hinihimas ang buhok.

"A...a...te..." mahina nitong tawag na umaasang sana'y tulog lang ito. Isang mahimbing at malalim na pagtulog na maya-maya'y gigising din at masusorpresa dahil nakauwi na sila ng kanyang ina.

Ang kanina pang luha na pinipigilan niyang tumulo ay umapaw sa kanyang mga mata. Seeing her older sister on that cold, hard metal bed slowly sinking in her brain. Ayaw man niyang maniwala pero ito ang katotohanan. Gustuhin man niya isipin na isa itong masamang panaginip, but she is aware that she's not sleeping. Solid ang kanyang nahahawakan. Mismong ang kanyang kapatid na huli niyang nakasama nung inihatid nila sa huling hantungan ang namayapang ama.

Dahan-dahan siyang yumukod upang ibalot ang kanyang mga bisig sa katawan ng kapatid. Doon niya ibinuhos ang damdaming pinipigilan dahil habang binabagtas nila ang daan papuntang ospital, hindi pa siya naniniwala sa balita hangga't hindi niya pa ito nakikita. At ito ngang nasa harapan niya ito, para siya sumali sa ice bucket challenge.

----------

It was all over the news, local and international. The most popular celebrity of the Philippines found dead inside her condo unit in BGC. Local officials handling the case found out that the victim, Maxine, was stabbed on her chest penetrating her lungs that instantly cut her life. There was no forced entry at walang mamahaling gamit ang nawala maliban sa life sized portrait nito na nasa kanyang kwarto.

The FanWhere stories live. Discover now