Chapter 15

2K 119 56
                                    

Dinner went well sa kabila ng malakas na kaba ni Glaiza. Nakita kasi ng tiyuhin ang mahigpit nilang yakapan, Kung bakit kasi nawala siya sa kanyang sarili at gumanti ng mahigpit na yakap kay Rhian. Baka kung ano pa ang isipin ng may edad na lalaki. Ang sabi nito ay may paguusapan sila, pero natapos ang hapunan, walang binanggit na kahit ano si Mr. Hinares pero nagyaya itong magkape sa open garden overlooking Batangas bay kung saan makikita ang Tingloy Island. 

Rhian was served tea, kape naman para kina Glaiza at Mildred, habang si Tito Ronnie ay rum on the rocks. Sobrang lamig ng hangin dahil ang bahay bakasyunan ay nasa mismong dulo ng Mabini, at paharap sa dagat. Dagdag pa ang simoy ng nalalapit na kapaskuhan. Napaisip siyang bigla na kung kelan magha-holiday ay saka pa nila naranasan ang ganitong panganib sa buhay ng kaibigan at ni Rhian. 

"Glaiza...." pagputol ni Tito Ronnie sa kanyang iniisip. Hindi niya naituloy ang sinasabi dahil tumikhim ito ng kanyang iniinom. "May lead na ba sa kung sino ang umatake sa inyo sa mall at kay Solen sa ospital?" pagpapatuloy nito.

Muling humangin ng malakas dahilan upang hingahan ni Glaiza ang kanyang mga palad par mainitan kahit papano. "Wala pa po according sa mga pulis,"

"Wala bang natatandaan si Solen nung nakaharap niya yung suspect the day she was stabbed?"

Hindi agad nakasagot si Glaiza. Iniisip nito kung sasabihin bang nakagawa na sila ng sketch ng suspect ayon sa naaalala ni Solen. Napagdesisyunan nilang walang dapat makaalam about the sketch na sinangayunan naman ng direktor ng pulisya na humahawak sa kaso kahit kaibigan pa ni Tito Ronnie ang director. 

"Wala daw po, sabi ni Solen. She was in shock nung nasaksak siya kaya naging blurred ang memory niya about sa lalaking nakasagupaan niya," pagtatakip niya.

Pagkatapos nang sagot niya sa kausap, nagulat siya nang biglang may tumakip sa kanyang balikat. Rhian placed a jacket on her, nakita pala nitong nanginig siya sa pagihip ng malamig na hangin.

"Tito, anong gagawin natin sa kaso ni Warren?" tanong ni Rhian na umupo sa silyang katabi ni Glaiza.

"I haven't thought about it pero I'll send his family some help. Sasagutin ko na rin ang lahat ng gagastusin,"

"Are you going to get me new bodyguard?" patuloy nitong tanong dahil may munting dasal siyang hinihiling sa kanyang sa isip.

"I'm not sure. Either a man or a woman bodyguard seems unable to stop this criminal. Solen wa stabbed for one, and Warren is dead. I think its better if you stay indoors. Its safer here since marami tayong securities dito,"

Rhian somehow disappointed sa decision ng kanyang tiyuhin. She was actually hoping na kunin nito si Glaiza na maging bodyguard niya, though bodyguard siya ni Maine, pero nasa US naman ang artista kaya pwede naman sigurong siya muna ang subject nito. 

"Tito, hindi naman yata pwedeng nandito lang ako. Nakakabore dito,"

"Well, you can go with me or with Mildred sa office para malibang ka,"

"What am I gonna do there? Magphotocopy?"

"Pwede," sagot naman ni Mildred.

"I rather go sa taping,"

"Rhian!" saway ni Tito Ronnie na ikinabigla rin ni Rhian.

"Taping?" sabay na tanong naman nina Glaiza at Mildred.

"Alright, Glaiza can be your bodyguard," kailangang gawin ito ni Tito Ronnie upang mag-segue ng usapan. Gulat namang napalingon si Glaiza kay Mr. Hinares.

"Pero sir, bodyguard pa ako ni Maine,"

"Nasa US pa naman siya. I will talk to Billy James and Tony Tuviera para itransfer ang assignment mo kay Rhian,"

The FanWhere stories live. Discover now