Chapter 24

1.6K 93 38
                                    

Glaiza woke up with a massive headache sa isang maliit na kwarto. Kinapa niya ang kanyang ulo sa part kung saan pumipintig ang sakit. May gasa ang bandang likuran ng kanyang ulo. Hindi man kalakihan but it hurts like hell.

"Mabuti at gising ka na," Isang lalaki ang umagaw ng kanyang atensyon sa kanyang sugat sa ulo. A tall, bulky and moreno guy.

"Sino ka? Paano ako napunta rito? Nasaan si Rhian?" sunod-sunod nitong tanong.

"Ako si Insp. PJ Pascual. Sa akin naka-assign ang kaso mo,"

"Kaso? Anong kaso? Wala akong ginagawang masama!" she forced herself to sit up but the pain in her head prevented her to lift her head. Muli siyang napabagsak sa kama.

"You better be careful. Malakas ang pagkakahampas sa'yo the fact na pumutok ang ulo mo. Buti na nga lang at hindi ka nagka-hemorrhage. Kung sinuman ang humampas sa'yo ay may matinding galit," paliwanag ni Pascual.

"Ano ba yung kaso na sinasabi sa ninyo? At kung may nagawa man ako, bakit parang hindi naman kulungan itong pinaglagakan ninyo sa akin?"

"This place is one of our safe houses. Dito ka namin dinala dahil may tangka sa buhay mo. I said this dahil na rin sa nangyaring paglabas ng video ni Ms. Howell. The video came from your laptop. Maging ang date ng pagkaka-upload ng video was dated 2 years ago and posted sa social media nung December 30,"

"Paanong mangyayari yun eh wala naman akong video ni Calliope. Puro pictures lang... Unless...." natigilan si Glaiza when something flickered her mind.

"Unless?"

"Yung harddrive ng laptop ko is not my original harddrive,"

"We check your hd, ms. de Castro. Nakapangalan ito sa iyo,"

"I need to get my hands on my laptop,"

"Did we missed something? Nasa amin ang laptop n'yo as evidence,"

"Give it to me then. Papatunayan ko sa inyo na hindi akin ang video na naipalabas,"

----------

"Mmmm!!! Hummmmfff!!!"

Pumungay-pungay ang mga mata ni Rhian. Nakatulog pala siya habang bumabyahe silang magtiyuhin pabalik ng Batangas. Pero iba ang kanyang pakiramdam.

"Mmmm!!! Hummmmfff!!!"

Rhian felt itchy on her hands and thats when she found out that her hands are tied at nakahiga siya sa isang kama. Sinubukan niyang hilahin pero hindi niya mabawi ang kanyang mga kamay mula sa pagkakatali sa kanya.

"Mmmm!!! Hummmmfff!!! Mmmmffff!!!" Rhian lift her head hanggang sa makita niya ang isang madungis na lalaki na nakasando at boxer shorts . Duguan at marumi ang kanyang mukha gayundin sa iba pang parte ng kanyang katawan. Sarado rin ang kaliwang mata nito marahil sa malalakas na suntok sa mukha na halos hindi na makilala.

"Ti...tito Ron...nie? Tito!! Anong nangyari sa'yo!? Tito!!" sigaw ni Rhian habang nagpupumiglas.

"Hindi ka makakawala dyan kahit anong gawin mo," isang mala-robot na boses ang pumigil kay Rhian sa kanyang pagwawala. Isang lalaki na nakamaskara at may nakakabit sa kanyang leeg. A voice changer.

"Hayop ka! Anong ginawa mo sa tito ko!? Sino ka ba at anong kailangan mo sa amin!?"

"Ako pa talaga ang hayop? Sa palagay mo, sino ang mas hayop sa atin? Ikaw na pumapatol at nakikipagniig sa kapwa babae o ako na minamahal ka? Iniidolo ka sa simula pa lang ng pagpasok mo sa pag-aartista? Kung nakinig ka lang sa akin na wag nang mag-artista, hindi na sana aabot sa ganito,"

"Anong ibig mong sabihin? Never pa kitang nakakausap. I don't even know you!"

"Malalaman mo in time, my dear. Sa ngayon, stay there and look yummy," binuksan nito ang pinto upang lumabas.

The FanWhere stories live. Discover now