CHAPTER 12

1.8K 105 35
                                    

Glaiza rushed back to Solen's room. Napapalibutan siya ng mga nurses at doctor, trying to check her vital signs. Gustuhin man niyang sumingit but she has to contain herself and let the professionals do their job. Ilang sandali pa at isa-isang nagsilabasan ang mga nurse tulak-tulak ang isang aparato. Ang defibrilator, Naiwan naman ang isang lalaking nurae at babaeng doctor.

"Doc, kamusta ang kaibigan ko?" pagaalalang tanong ni Glaiza. Hinahabol niyanang kanyang hininga dahil sa nangyari sa labas at kabang nararamdaman sa kalagayan ng kanyang kaibigan.

"Thankfully she were able to surpass hee critical condition. We almost lost her but we were able to revive her,"

"Ano bang ginawa sa kanya? May nakakita ba sa pangyayari?"

"Ako po ang nakakita mam. Yung lalaki kanina tinakpan ng unan ang mukha niya,"

"Nakilala mo ba siya?"

"I'm sorry po. Nakatakip po kasi ang mukha niya ng face mask,"

"Its okay. Salamat doc sa pagrevive mo sa kaibigan ko. She's the only witness sa taong naglason at nagtangkang mangidnap kay Rhian,"

"Wala yun. Its our job. But if I to make a suggestion, maybe you ahould request a police assistance. Have someone to watch over your friend since isa siyang witness. Matatahalan pa si Ms. Heussaff dito sa hospital. Chances are, maaaring bumalik ang suspect at pagtangkaan ulit ang buhay niya,"

"Thanks doc. I have that in mind,"

Nang makapag-paalam ang doctor at nurse, hinarap naman ni Glaiza ang kaibigan. Lalong tumitindi ang kanyang takot. Hindi para sa kanya kundi para kay Solen at Rhian. Mas lalo kay Solen dahil isa siyang witness. Tiyak na ito ang unang ililigpit ng suspect bago muling gawan ng masama si Rhian. Kailangang maging doble or triple ang kanyang pagbabantay para sa dalawa. Gustuhin din man niya na bantayan si Solen habang nandirito ito sa hospital, she has to make her own investigation. Bodyguard man siya, hindi siya lisensyado to create her own inspection. She has to make her movements quiet. Maingat at walang dapat makaalam.

"Glaiza..." naputol ang pagiisip ni Glaiza ng marinig ang pagtawag sa kanya sa labas ng kwarto. Binuksan niya ang pinto at nakita si Rhian.

"What are you doing here? Di ba sabi ko dun ka lang sa kwarto mo? Bakit ka lumabas?"

"S...sorry. Nag-aalala kasi ako kay Solen,"

"Hindi ka dapat lumabas ng room mo. Pano kung nandito pa yung g*gong  yun? Pano kung nasa labas lang yan at nasa hallway, naghihintay ng chance. Mapapahamak ka sa ginagawa mong yan. Magkakaproblema pa tayo dahil sa katigasan ng ulo mo," hindi sinasadya ni Glaiza na sungitan ito. Iniisip lang naman niya ang kaligtasan nito.

"Eh kung ganun, why don't you let me in," Rhian crossed her arms on her chest and shift her weight on her right leg.

Glaiza took a step backwards upang bigyan ng daan ang dalaga. Despite of the hospital scent present in the air, tila na-knockdown siya sa amoy ng babaeng dumaan sa kanyang harapan. Alam niya ang amoy na iyon dahil iyon ang paboritong pabango ni Rhian. Masculine man, pero bumagay sa mala-anghel nitong itsura. Tipong amoy na kahit magbilad sa araw ay hindi magbabago. Pleasant pa rin sa ilong. Glaiza didn't realized na naipikit nito ang kanyang mga mata while inhaling the air.

"Glaiza,  baka masalisihan ka ng killer. Close the door, nandito na ako sa loob," bati ni Rhian na ikinagulat ni Glaiza.

Glaiza shook her head upang maialis ang epekto ng scent ni Rhian na akala mo'y nakasingkot ng marijuana at natulala. Hindi ito ang oras at panahon para mamagnet at tubuan ng nararamdam sa subject ng kanyang kaibigan.

The FanWhere stories live. Discover now