Chapter 21

2K 86 30
                                    

Days gone by with bliss and a lot of love making sa malamig na hangin ng kapaskuhan at nalalapit na bagong taon lalo na't sa mga oras na wala ang mga magulang ni Glaiza.

New year. New life. New Rhian and Glaiza. New relationship.

Yan ang nasa isipan ng dalawa. Sasalubungin nila ang bagong taon ng nang magkasama at pagmamahal. Glaiza has not spoken with German dahil bago ito umalis, sinabi niyang mahihirapan itong kumontak sa kanya dahil sa busy though magtetext siya sa araw ng pasko, unfortunately walang cellphone ang dalaga dahil naiwan niya ito sa Batangas. He knows Solen's number pero hindi ito nagtext man lang, which Glaiza didn't even noticed na walang text sa kanya ang nobyo.

Abala ang pamilya sa paghahanda sa pagsalubong ng Bagong Taon sa ilang oras na nalalabi. May tradisyon ang lugar ng mga de Castro na inilalabas nila ang kanilang mga handa at inilalagay sa kanilang pinaka-plaza kasama ang handa ng kanilang mga kapitbahay. Ayon sa kanilang paniniwala, ay mas magiging sagana at lalong titibay ang pagsasama sama ng mga magkakapit-bahay kung sama-sama silang magcecelebrate ng bagong taon.

Gusto sana niyang tumulong sa paghahanda at pag-aayos pero tila princessa ang turing ng lahat sa kanya, maging si Solen. Ayaw sila nito pakilusin. Manood na lang daw siya ng tv at wag nang magpagod.

She's bored. Gusto man niyang lambingin si Glaiza, abala naman ito sa pagluluto. Blurred naman ang reception ng channel ng kanyang home network. She then decided to sweep the floor kahit pa spotless na ito. Hinanap niya ang walis tambo at dust pan na nakita niya sa isang sulok at nagsimulang magwalis habang naka-bukas ang tv.

"At para sa balitang showbiz, narito si Mars Santiago. Mars, ano ba ang balita bago magtapos ang 2017?"
"Thanks Tita Belle. Usap-usapan ngayon sa round table ng mga reporters ang tungkol sa pag-atake sa bahay ng manager ng sikat na celebrity na si Calliope, si Mr. Ronnie Hinares sa bahay nito sa Batangas dalawang araw bago magpasko. Palaisipan kung kasama ba nito si Calliope nang araw na sila ay atakihin ng mga hindi kilalang mga kalalakihan. Ayon sa pulisya, agad namang nakalikas ang manager kasama ang kasintahan nito at ang pamangkin kasama ang isang kaibigan. Walang mga mamahaling gamit ang tinangay at tanging mga kagamitan sa bahay ang nasira dahil umano'y nagpaputok ng baril ang mga salarin. Wala ring mga kasambahay na nasaktan. Inaalam pa ng pulisya kung ang pag-atake ay business related or dahil sa nangyaring insidente sa concert ni Calliope na ayon sa among insider ay hindi aksidente. At..." napatigil ang reporter sa kanyang balita nang may nagsalita sa lapel na nasa kanyang tenga. "Mga kaibigan, bagong pasok na balita. Isang email ang natanggap ng aming research team from an anonymous sender. Isang litrato ang aming natanggap. Stolen shot at video ng sikat ng artistang si Calliope kasama ang isang lalaki sa loob ng isang kwarto na tila may kakaibang ginagawa. Sa ngayon ay inaalam muna ng aming team kung legitimate ang nasabing litrato...."

Parang napiga ang lahat ng hangin sa baga ni Rhian nang marinig ang balita sa tv. Her heart beats faster than ever before after hearing the news about her with a man in a room doing who-knows-what.

"Lablab, anong ginagawa mo dyan? Bakit ka nakatayo? Sabi ko sa'yo wag ka nang magpagod eh," pumasok si Glaiza at nakitang nakatayo lang si Rhian. Hindi ito lumingon man lang nang siya ay magsalita. "Lablab... Lablab..." lumapit ito at hinawakan ang kasintahan.

Humarap si Rhian nang namumula at nangingilid ang luha. Glaiza was stunned sa hitsura ng ng dalaga. Agad umakyat sa ulo niya ang pag-aalala. Nasaktan ba ito? May masakit? May sakit? May nangyari ba na hindi niya alam?

"Rhian, bakit? A....anong nangayari?" pero hindi salita ang isinagot ni Rhian sa kanya kundi pagtangis at pagyakap ng mahigpit. "Whats wrong?"

"Anak, anong nangyayari?" tanong ng ina nito kasunod si Solen bitbit ang bilao ng mga prutas na kanilang pinitas.

The FanWhere stories live. Discover now