CHAPTER 9

2.1K 100 18
                                    


Nagdiwang ang mga tagahanga ni Calliope a month after ng kanyang pagkawala. Ayon sa balita at interview sa kanya, kailangan lang daw muna niyang magpahinga at palipasin ang init ng insidenteng nangyari sa kanyang anniversary concert at sa bansang pinuntahan na rin siya nagcelebrate ng kanyang kaarawan. Gayunpaman, kinausap siya ng mga admins ng kanyang fandom, ang Muse of Calliope, na kahit isang buwan na ang lumipas ay icelebrate nila ng late ang kanyang birthday. She loved the idea. Miss na rin niya ang mga miyembro ng fanclub niya pati ang hindi mga members. Hinayaan niyang magplano ang mga ito at sinabihan na sana pati ang hindi miyembro ay magkaroon ng pagkakataon na makasama niya sa kanyang late birthday celebration.

Bago po siya muling lumabas sa publiko, isa pagmemeeting muna ang nangyari sa pagitan niya, ni Tito Ronnie, RM Raquel at ng kanyang bodyguard. Si Solen. Isang malaking surpresa sa martial arts master na malamang ang sikat na sikat na si Calliope ay ang kanyang subject na si Rhian Howell. Isang kontrata ang pinapirmahan sa kanya. A confidentiality contract na ang sikretong ipinagkatiwala sa kanya ay hindi maaaring malaman ng kung sino man. Kapag may nakaalam bukod sa mga kasama sa meeting na iyon, si Solen lamang ang pagiisipan dahil sa tagal nang artista ni Rhian na nagtatago sa pangalang Calliope, ho one had spilled the beans. Ang parusa, pagbabayad ng danyos perwisyos, pagkakulong at pagkawala ng kanyang estado bilang isang martial arts grandmaster. Masyadong malaki ang mawawala sa kanya kesehodang pirmahan niya ito o hindi dahil alam na niya ang sikreto. She had no choice but to sign the contract.

Hindi naman nahalata ang pagiging human cctv ni Solen dahil na rin sa bilin ni Tito Ronnie na mgblend in ito sa kanyang pamangkin. Kapag lumalabas si Rhian for gigs as Calliope, aakalain mong magbestfriends lang sila. Sa mga pictures ay di ito sumasama sa dahilang baka makita ito ni Glaiza dahil ang alam nito, isang heredera ang kanyang binabantayan. Glaiza will flipp once she knows na si Calliope ang kanyang subject.

Christmas is coming. Isang memo ang natanggap ng lahat ng artista ng home network ni Calliope na magkakaroon sila ng Christmas Special na itetelevised. Calliope, RM and Solen are on their way papunta sa studio. Pansin ni Calliope na hindi mapakali ang kanyang bodyguard.

"Hey, daig mo pa ako na kinakabahan, which is am not," bati nito sa katabi. They are seated sa gitnang upuan ng kanyang toyota ford. Si RM ang nagda-drive.

"Di ba kanetwork mo si Maine Mendoza?" tanong ni Solen.

"Yeah, so?"

"Siya ang subject ni Glaiza,"

"And?"

"Theres a possibility na magkita kami ni G doon. Masusurprise yun na makita akong kasama ka. Hindi naman pwedeng iwanan kita. Dapat kasama ako sa dressing room mo at malamang andun din ang bestfriend ko. Ang alam niya isang rich kid ang subject ko,"

"Well, you can wait for me outside the studio,"

"I can't do that. Kailangan 24/7 ang mga mata ko na nakatutok sa'yo. Alam mo ba ang reason king bakit babae ang kinuhang bodyguard mo?" Calliope shrugged her shoulders. "Para kahit sa comfort room ay masasamahan kita. A male bodyguard can't just go with you sa CR. That will cause a commotion," a laugh aired inside the vehicle coming from Calliope.

"Seriously, sino naman ang magtatangka sa akin sa loob ng CR?"

"Wala pang lead sa may sala nung concert mo. It could be anybody, babae o lalaki,"

"E di sumama ka na nga sa dressing room,"

"Makikita nga ako ni G,"

"E di sa labas ka ng studio,"

"That would be neglecting my responsibility,"

"Then make up your mind. Ang gulo mo," napabuntong hininga si Solen. "Ganto na lang, let me make a decision for you. You have your phone naman di ba. Stay outside the studio. Stand by sa most convenient entrance. Kung anuman mangyari sa loob, RM will contact you so you can spring into action para ipatikim mo yung mga flying kick ang karate chops mo sa kung kanino. Deal?" inilahad ni Calliope ang kanyang kamay. Tumingin lang si Solen. "Come on, rather than being exposed sa bestfriend mo kung sino ang binabantayan mo, take my decision,"

The FanWhere stories live. Discover now