Chapter 1

27.9K 285 3
                                    

Teaser:

Kahit mag-isa na lamang si Maddi sa kanyang bahay ay masasabi niyang maayos ang buhay niya. Hanggang sa isang araw ay, ang tahimik pamumuhay ay ginulo ni Renjie Osuke, a well-known Japanese model. Pilit siya nitong pinapaalis sa bahay niya dahil ito raw ang may-ari niyon.

Ginawa niya ang lahat-lahat ng kaya niya para lang mapaalis hambog, mayabang at antipatikong Hapones. Pero wala ring nangyari dahil napakatigas ng ulo nito.

Wala nang nagawa si Maddi nang ipagsisikan ni Renjie ang sarili nito sa bahay niya. Araw-araw ay pulos sila bangayan, asaran at pikunan. Ang tahimik niyang pamumuhay sa sarili niyang pamamahay ay nabulabog ni Renjie.

Hanggang sa isang araw ay bigla na lamang itong naging mabait sa kanya at hindi na kayang supilin ng puso niya ang kilig tuwing niyayakap at hinahalikan siya nito. Hindi nagtagal ay nahulog na rin ang loob niya rito. Pero kaagad ding napalitan iyong ng kakaibang sakit nang makita at marinig niya mismo ang katotohanang hindi totoo ang mga ipinapakita nitong pagbabago sa kanya. Kunwari lang pala ang lahat. Now, she would be much willing to give him her house kung iyon lang talaga ang makakapagpasaya rito.

Note: This is the raw and unedited version. 

Enjoy reading!


YOU MAKE ME LOVE YOU

By:  Saab de Andrade

CHAPTER ONE

MAHIGPIT na nakakapit si Maddi sa handrail ng MRT. Wala siyang sasakyan kaya sanay siyang mag-commute. Mataman niyang pinagmamasdan ang sa tingin niya ay magkasintahan, paano ba naman ay todo ang kapit ng guy sa girl na parang lilipad ang babae sa loob ng mrt na iyon. Bigla tuloy siyang nainggit, siya kaya kailan mayayakap ng guy? Ipinilig niya ang ulo. Hindi siya dapat mainggit, kontento na siya sa buhay niya. May bahay siyang maganda, may nakakain, may trabaho pero minsan ay napu-frustrate siya dahil walang nanliligaw sa kanya. Maganda naman siya, hindi naman siya maselan pero ewan ba niya at walang nagkakamali sa kanya. Siguro dahil hindi pa dumarating ang mister right niya. Hmm, kunsabagay masaya siya sa buhay niya, panggulo lang ang mga lalake. So, wala siyang care kahit na wala siyang dyowa.

Tigang na tigang siya as in mas tuyo pa sa pinatuyong dahon ng kung anomang puno ang buong body niya. Ni hindi pa siya nagkaka-boyfriend kahit kailan. Ewan ba niya. Maganda naman siya pero bakit walang nagkamali sa taglay niyang alindog? Minsan iniisip niya na napakalupit ng tadhana sa kanya. Tama nga ang kasabihang kung sinong gusto mo, siya pang ayaw sa'yo. Natatandaan pa niyang may lalaking nanliligaw sa kanya noong college siya. At sa kamalas-malasan ay hindi keri ng beauty niya ang lalaki. Payat ito at isang hampas lang ng hangin ay liliparin ito, masyado rin itong matalino na memorize ang buong libro ng kasaysayan ng mundo dahil mahilig ito sa history na pinakaayaw niyang subject dahil para sa kanya ay boring. Sa madaling salita, ayaw niya rito, hindi naman sa namimili siya pero mamimili na rin siya. Minsan-minsan lang naman gumagana ang pagiging choosy niya kaya noong panahong iyon ay ginamit niya ang power of choosy niya at binasted ang lalaki.

Sa isang anggulo naman ay may crush siyang lalaki sa school nila na vocalist ng banda. Napakagwapo nito at nabighani siya sa magandang tinig nito. Pero bago pa siya nito mapansin ay isang malaking tipak ng kahihiyan ang dinanas niya sa mismong harapan nito. Habang nagpe-perform ito ay laking tuwa pa mandin niya ng abutin nito ang kamay niya at akayin siya sa stage. Pero hindi para haranahin siya kagaya ng ginagawa ng mga singers kundi para pakantahin siya ng paboriro niyang kanta. At dahil galit sa kanya ang mikropono at ang buong music industry ay wala siyang ibang nakanta kundi ang "bahay kubo." At sa kasamahang palad ay pumiyok pa siya kahit na mababa lang ang tono. At halos magiba ang buong stage sa lakas ng tawanan ng mga tao. At ang hudyong crush niya ay kasama siay pang numero unong tumawa. Sa matinding kahihiyan ay mabilis siyang umalis sa lugar. And she hated that vocalist dahil pinakanta siya nito and she promised herseld na hindi na niya ito crush.

You Make Me Love You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon