Chapter 4

7.9K 150 6
                                    

CHAPTER FOUR

NATIGILAN si Maddi nang malapit na siya sa gate ng kanyang bahay ay napansin niyang nagkakagulo roon. O mas tamang sabihing nagkalat ang lahat ng mga gamit niya sa labas ng bahay.

Kaagad na pumasok siya at nilapitan ang mga taong patuloy sa paghahakot ng mga gamit niya.

"Anong ginagawa niyo sa bahay ko?" kunot-noong tanong niya sa mga ito.

Lumingon ang isang lalaki at tiningnan siya. "Napag-utusan lang po kami ma'am," walang anumang sabi nito at iniwan siya at pumasok sa loob.

Naguguluhan siya! Hindi siya makakapayag na guluhin ng mga ito ang bahay niya. Pinagmasdan niya ang mga ito, ilang personal niyang gamit ang nasa labas na.

"Teka, teka," pigil niya. Lumingon ang mga ito sa kanya. "Sinong nagsabi sa inyong guluhin niyo ang ayos ng bahay ko?"

"Ako!"

Napalingon siya pagkarinig sa boses. Tumalim ang tingin niya nang makita ang Hapones na panira ng buhay niya. Anong karapatan nitong gawin iyon sa pamamahay niya?

"Anong ginawa mo sa bahay ko?" naniningkit ang mga matang sigaw niya.

Humalukipkip ito. Ang sarap hambalusin ng pagmumukha nito.

"Well, inilabas ko lang naman lahat ng mga pangit mong gamit. Pwede ka ng umalis ngayon sa pamamahay ko!" mayabang nitong sabi.

"Hoy! Hapones na model ng hipon!" gigil niyang sabi. "Huwag mo akong maloko-loko ha! Umalis ka na rito kung ayaw mong ipadampot kita sa mga pulis."

"Huh! Kung ikaw kaya ang ipadampot ko sa mga pulis pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa akin!" 'di nagpapatalong sigaw nito.

"Bakit mo ba ako ginugulo? Why are you claiming my house?"

"Your house?" sarkastikong tumawa ito. "This is not your house anymore woman! This is now my house."

Nanggigil siya. Hindi siya magpapatalo rito. Wala itong karapatan na angkinin ang sa kanya.

"Lumayas ka rito!" sigaw niya.

"Ikaw ang lumayas! Ayoko na sanang gawin ito eh, pero dahil pinipilit mo akong gawin ito ay gagawin ko na!" pumitik ito sa daliri. "Attorney!" malakas na tawag nito.

Biglang sumulpot sa kanilang harapan ang isang lalaking may katabaan at pormal ang suot.

"Are you Maddi Lopez?" tanong ng attorney sa kanya.

"Oo, ako nga po," naguguluhang sagot niya.

"Are you the only daughter of Reina and Ben Lopez?" tanong pa ng attorney.

"Yes," magalang niyang sagot.

May binuklat ito sa attaché case na dala. "Then you have to evacuate this house soon dahil matagal nang naibenta ang property na ito sa mga Osuke."

"Ano ba ang pinagsasabi niyo?" tumaas ang boses niya. Matagal ng wala ang mga magulang niya at paanong naibenta ang bahay nila?

"I know you are in shock right now Miss Lopez pero para sa ikalilinaw ng isip mo, noong nabubuhay pa ang mga magulang mo ay ibinenta na nila ang bahay na ito sa pamilya Osuke. Siguro ay hindi mo alam iyon dahil hindi nasabi ng mga magulang mo bago sila nawala. Hindi pa noon kailangan ng mga Osuke ang bahay na ito kaya hinayaan ka nilang tumira muna rito. But now it's about time for you to leave this house dahil kine-claim na ng bagong may-ari ang bahay na ito," mahabang paliwanag nito.

You Make Me Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now