Chapter 9

8.6K 190 18
                                    

CHAPTER NINE

NATIGILAN si Maddi nang pagpasok niya ng bahay ay nakita niya ang mga naggagandahang bulaklak sa sala. May hardin naman siya na puro mga bulaklak pero ikinatuwa pa rin niya ang mga magagandang bulaklak sa harapan niya.

Nakangiting nilapitan niya at inamoy ang mga iyon. Surely, those roses came from Renjie. Napaka-sweet talaga nito, palagi siyang pinapasaya. Ito ang kaisa-isang lalaki sa buhay niya na nagpakita ng pagpapahalaga sa kanya.

They started to hate each other back then, but for all the things that happened to them, she found herself loving Renjie. Oo, mahal niya si Renjie. Isang bagay na napagtanto niya sa kanyang sarili. Hindi niya dapat maramdaman iyon pero sutil ang puso niya dahil nahulog siya kay Renjie.

Masaya siya pero hindi maiiwasang malungkot sa kaalamang siya lang ang nagmamahal rito. Walang binabanggit na anoman si Renjie tungkol sa relasyon nila. They kissed, held each other hands, pero wala silang relasyon. Hindi niya mapigilan ang sariling mabalisa. Hindi dapat mangyari ang mga bagay na iyon. Babae rin naman siya at nasasaktan.

Minsan ay nanliliit siya sa sarili. Parang wala rin siyang itinulad sa mga nakarelasyon na ni Renjie. No feelings involved, just do what makes each others satisfied. Pero nahulog pa rin siya at minahal si Renjie kahit na alam niyang masasaktan lang siya.

Ano ba'ng dapat niyang gawin? Siguro kailangan na niyang umalis sa bahay. Tanggapin niya na hindi kanya ang bahay at lalong hindi sa kanya si Renjie.

Naglakad siya papunta sa kanyang kwarto, she felt alone. Nasasaktan siya, ayaw niyang umalis pero siguro iyon ang mas makabubuti.

Pagpasok niya sa kwarto ay natigilan siya nang makitang prenteng nakaupo at malawak ang pagkakangiti sa kanya ng lalaking laman ng puso niya. Ang ngiti nito ang hinding-hindi niya makakalimutan. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Mga iba't-ibang litrato ang nakita niya. Nakadikit sa pader ang mga litratong kuha niya kay Renjie. Meron ring mga litrato niya. At ang nakaagaw ng pansin niya ay ang malaking litrato ni Renjie na pinakagusto niya sa lahat. Noong kunan niya ito na may matamis na ngiti.

"Nagustuhan mo ba ang ginawa ko?" nakangiting tanong nito.

Tiningnan niya ito. "Paano mo nagawa lahat ng ito? At saka sinong nagsabi sayo na pakialaman mo ang kwarto ko?" kunwari ay galit na sabi niya.

Tumayo ito at lumapit sa kanya. "Gusto ko na sa paggising mo, ang unang mukha ko ang makikita mo."

Natawa siya at pinisil ang pisngi nito. "Nagsasawa na ako sa gwapong mukha mo."

Hinuli nito ang kamay niya at hinapit siya. "Maddi, I want you to now that I'm very happy. I've never been this happy in my life," seryosong sabi nito. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Ito na ba ang pinakahihintay niyang mangyari?

"Ngayon ko lang naramdaman ito Maddi. Hindi ko rin akalain na ako mismo ang babali sa pangako ko sa sarili ko. Noong unang makita kita ay nagalit ako sa'yo nang sobra pero nang makita kitang umiyak noon ay nataranta ang puso ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Pinipilit ko na balewalain ang presensya mo pero may malakas na pumipigil sa akin na kilalanin kita at alagaan pa. Hindi ikaw ang tipo ng babaeng gusto ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. I tried my best to ignore you, pero makulit ako dahil nahahanap ko ang sarili ko na masaya sa'yo. Lalo na kapag gabi, ikaw lang ang iniisip ko."

"Renjie..."

"Shh..." inilapat nito ang hintuturo sa labi niya. "Hayaan mo akong iparamdam sa'yo kung ano'ng nararamdaman ng puso ko. Goodness Maddi!" nahihirapang saad nito. Ramdam nga niyang malakas ang tibok ng puso nito. Kinakabahan ba ito? "Hindi ako sanay nang ganito. Ni hindi ko pa naramdaman ang ganitong kaba sa tanang buhay ko. At hindi pa ako gumawa ng ganitong bagay pagdating sa babae. Wala pa akong ipinagluto, nakipagkulitan ako sa kanya, nagagalit kapag may ibang lalaking kaharap," masuyong tiningnan siya nito. "Ikaw pa lang Maddi... sa'yo ko pa lang ginawa ang lahat ng mga bagay na ito. Dahil sa'yo naging possessive ako." Naging mapungay ang mga mata nito. "Through this... siguro maipaparamdam ko sa'yo ang lahat-lahat ng laman ng puso ko."

You Make Me Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now