Chapter 5

8K 172 7
                                    


CHAPTER FIVE

KAGAT-KAGAT ni Maddi ang kanyang kuko habang nag-iisip ng paraan kung paano niya mapapaalis si Renjie sa bahay niya. She made up her mind. Hindi siya aalis ng bahay niya. Sa kanya ang bahay at walang sinuman ang makakapagpaalis sa kanya roon. Kahit na may abogado itong de-kalibre at mayaman ang pamilya nito ay wala siyang pakialam. Ipaglalaban niya ang bahay niya. Ngayon ay gagawa siya ng hakbang para ito mismo ang umalis.

Ibinalik niya ang kanyang mga gamit sa kanyang kwarto. Walang nagawa si Renjie kundi ang magtagis ang mga bagang. Natutulog ito sa kabilang kwarto. Hindi ito nagpatinag sa kanya. Hindi ito umalis ng bahay at ganoon rin naman siya. Matira ang matibay sa kanilang dalawa.

Napangiti siya ng may pumasok na ideya sa isip niya. Mabilis siyang tumayo at bumaba ng kanyang kwarto. Pumunta siya sa kusina, tahimik roon, sa sala ay ganoon rin.

"Nasaan na kaya iyon?" tanong niya sa sarili. "Baka naisipan nang umalis... pero hindi,"umiling siya. Tigas rin ang tanggi nitong umalis ng bahay.

Pumunta siya sa likod-bahay. Kumuha siya ng isang garapon at doon niya inilagay ang mga insektong naglipana sa gilid ng pader. Hindi niya alintana na nakagat siya ng mga iyon. Ang mahalaga ay makagawa siya ng paraan para mapalayas si Renjie sa bahay.

Nang matapos ay pumasok siya ulit sa loob. Pumunta siya sa banyo. Sabi na nga ba niya, naliligo ito, tamang-tama ang hinala niya. Nakita niyang nakasabit ang tuwalya nito. Mabilis na kinuha niya iyon at ibinuhos ang lahat ng laman ng garapon na hawak niya.

Tumigil sa paglagaslas ang tubig. Mabilis niyang ibinalik sa pwesto ang tuwalya at nagmamadaling umalis sa lugar.

Pumunta siya sa kusina at kumuha ng makakain. Umupo siya. Akmang itataas na niya ang tasa ng kape para uminom nang marinig niya ang malakas ng pagsigaw.

"Ano'ng ginawa mo sa tuwalya kong babae ka ha!" galit na boses iyon ni Renjie.

Lumingon siya. Pinigil niya ang mapahagalpak ng tawa sa hitsura nito. Matalim ang tingin nito sa kanya. Boxer shorts lang ang suot nito at pinigil rin niyang tumingin sa ibabang bahagi ng katawan nito. Puno ng pantal ang katawan nito.

"Bakit ka ba sumigaw ha?" pagmamaang-maangan niya.

"Huwaag ka nang magmalinis! Ikaw ang naglagay ng mga langgam sa tuwalya ko!" hindi iyon isang tanong kundi talagang panghuhusga nito.

"Huwag ka ngang mambintang! Nananahimik ako rito oh."

"Magkakaila ka pa! Tiningnan ko ang tuwalya bago ko gamitin," inis na sabi nito. "Look what you've done to me," mariing sabi pa nito.

Sinuri niya ito, puno nga ito ng pantal sa katawan. Namumula ang mga iyon at pati ang mukha ay mapula dahil sa inis sa kanya.

"Baka maraming langgam sa sabitan," pakwelang sabi niya. "Huwag mo akong husgahan wala ka namang ebidensya."

"Tingnan lang natin kapag nakita ko ang CCTV camera," nakangising sabi nito. Nahinto siya sa akmang pagdidiwang ng kalooban niya. Kailan pa nagkaroon ng CCTV camera sa loob ng bahay niya? "At oras na malaman kong ikaw ang may kagagawan nito ay lagot ka sa akin Maddi Lopez."

Hindi siya nagpatinag, "Edi tingnan mo ang sinasabi mong camera, Renjie Osuke," pangagaya niya rito.

Nginitian niya ito ng matamis. Ito naman ay pigil ang hablutin siya at saktan. Ipinagpatuloy niya ang pagsimsim ng kape habang ito naman ay tinalikuran siya.

You Make Me Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now