Chapter 3

8.6K 171 5
                                    

"HAYAN!" inilapag ni Maddi ang isang tasang kape at mga tinapay sa harapan ni Renjie.

Wala sana siyang balak na pagbuksan ito ng pinto pero nakukulili na ang tainga niya sa lakas ng pagkalabog nito. Kaya naman pinatuloy na niya ito sa para makuha na nito ang mga gamit at pagkatapos ay malaya ng umalis.

"Ito lang ang ipapakain mo sa akin?" reklamo nito.

Namaywang siya, "Aba! Aba! Choosy ka rin 'no? Ikaw na ang pinatuloy ko sa bahay ko at pinakain pa ay ikaw pa ang maselan?" nanlalaking mga matang sabi niya. "Ibang klase ka rin namang Hapon ka ano?"

"I don't drink coffee in the morning. I prefer bacon and fried rice with fresh sandwiches."

"Pwes! Kape lang ang meron ako rito. Kung gusto mo ng bacon, kanin at sandwiches, umuwi ka sa bahay mo!" nanggigigil na sabi niya.

Pambihira talaga ang lalaking ito! Siya na nga ang nagmagandang loob na pakainin ito ay ang dami-dami pa nitong reklamo.

"I wonder kung anong klaseng kape ito," narinig niyang bulong nito.

"Anong sabi mo!?"

Nilingon siya nito. "Wala. Ang sabi ko masarap naman pala ang kape," sarkastikong sabi pa nito habang ibinababa ang tasa ng kape.

"Bilisan mo na nga at aalis pa ako," pag-iiba niya ng usapan. "Gusto ko nang umalis ka sa bahay ko at mahirap nang iwan kita rito."

Tumawa ito ng pagak, "Hindi mo ba alam kung sino ako?"

Inirapan niya ito, "Sino ka?" ulit niya. "Ikaw si Renjie Osuke, twenty-seven years old, isang libo lang ang laman ng pitaka at may picture ng mama niya sa cell phone," nakangising sabi niya.

Kumunot ang noo nito, "Pinakialaman mo ang mga gamit ko?"

"Oo, bakit?"

"I use credit cards that's why I don't have cash," pagtatanggol nito sa sarili. "Pagsisisihan mo lahat ng ginawa mo sa akin," mariing sabi nito. "Hindi mo ba alam na maimpluwensya ang pamilya ko at ako rin ang pinakasikat na Japanese model ng bansa?" mayabang na sabi nito.

Umismid siya, "Wala akong pakialam kung sino ka pa. Kahit ikaw pa ang isa sa mga Hapon na model ng mga hipon," pang-aasar niya.

Lalong tumalim ang tingin nito sa kanya. Kita niya ng pagpipigil nitong hablutin siya at saktan. Sinalubong niya ang singkit nitong mga mata pero hindi niya matagalan ang pagtingin rito sa 'di niya malamang dahilan.

"Model ako ng mga clothing line. Marami rin akong ini-endorse na mga produkto at kahit kailan hindi pa ako nag-model ng hipon."

She just rolled her eyes, "Tama na ang satsat! Umalis ka na at marami pa akong gagawin."

Tumayo ito at nilingon siya, "Nasaan ang banyo mo? Maliligo ako."

"Huwag ka ng maligo at ganoon rin naman ang amoy mo."

Nagulat siya nang ilapit nito ang mukha sa kanya. Napaurong siyang bigla. Nalalanghap niya ang mabangong amoy nito. Bumilis ang tibok ng puso niya. Anak ng daga! Ano bang nangyayari sa kanya?

"Kanina pa ako naiinis sa'yo ha, wait... kagabi pa pala! Napakarami na ng utang mo sa akin at sinisiguro kong pagbabayaran mo lahat ng mga kasalanan mo," mariing sabi nito. Dahan-dahan itong lumayo sa kanya, nakahinga siya ng maluwag.

Kinalma niya ang sarili at nilabanan ang tingin nito, "Hindi ako natatakot sa'yo," matapang na sabi niya. "Ikaw nga itong basta na lang pumasok sa bahay ko."

You Make Me Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now