Chapter 8

8.8K 169 6
                                    

CHAPTER EIGHT

NAPAHINTO si Maddi ng maamoy ang masarap na pagkain. Paglabas niya ng kwarto ay ang katakam-takam na ulam ang bumungad sa kanya.

Alas nuebe na ng umaga nang magising siya. Napasarap ang tulog niya. Natigilan siya ng maalala ang nangyari kagabi. Ang takot na naramdaman niya ay nawalang bigla ng yakapin siya ni Renjie. Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay ligtas siya. Na walang makakapanakit sa kanya.

Kakaibang damdamin rin ang napagtanto niya sa sarili. Kapag malapit si Renjie ay ang lakas ng kabog ng puso niya. Kung dati ay naiinis siya rito, kagabi ay naalis lahat ng iyon ng makita niya sa mga mata nito ang sinseridad dahil sa mga nangyari.

Masaya rin naman siya kahit papaano dahil walang masamang nangyari sa kanya pero naroon pa rin ang pangamba sa puso niya.

Bumaba siya ng hagdan at sumilip sa kusina. Nagulat siya ng makita si Renjie sa loob. Nakasuot ito ng pambahay at naka-apron habang seryosong nakaharap sa niluluto hawak ang isang sandok.

Pinagmasdan niya ito. He is still sexy wearing that apron. Bagay na bagay pala itong magmodelo ng mga kasangkapan sa kusina. Napakagwapo pa rin nito, aamin niya iyon.

Dahil abala siya sa pagmamasid rito ay nahuli nito ang matamis na ngiti niya.

Hindi niya napaghandahan ang ganti ni Renjie. Isang masuyong ngiti ang ibinigay nito sa kanya na lalong hindi napaghandaan ng puso niyang napakabilis sa pagtibok ngayon.

"Konnichiwa, Maddi!" masayang sabi nito.

She knows that word in Japanese. Gumanti na rin siya ng ngiti rito.

Pinatay nito ang kalan at tinanggal ang apron. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang siko niya. Kakaibang sensasyon ang naramdaman niya ng magdaiti ang balat nito sa kanya.

Inakay siya nito sa mesa at inalalayang umupo. Hindi siya dapat matuwa sa mga kilos nito dahil kaaway niya ito. Pero hindi maiwasang matuwa ng puso niya.

"Nagluto ako ng almusal, kumain ka ng marami ha," masayang sabi nito habang inihain ang mga niluto nito sa harapan niya. Hinayaan niya ito sa ginagawa.

Nang matapos ay umupo na rin ito sa kaibayo.

"Ako na," aniya ng akmang lalagyan nito ng pagkain ang plato niya.

"Ako na lang," mahinang pinalo nito ang kamay niya at nagpatuloy sa pagsandok ng pagkain niya.

Wala na siyang nagawa, hinayaan niya ito. Bakit kaya ang bait nito ngayon?

Nakatatakam ang niluto nito. Adobo ang niluto nito. Ang Japanese supermodel ay marunong magluto? Kataka-taka iyon pero baka naman magustuhan niya ang lasa niyon.

"Ahm, Maddi," pukaw nito sa kanya. Tiningnan niya ito. Seryoso ang mukha nito. "I just want to apologize of what happened last night. Hindi ko dapat hinayaan na mangyari iyon. Kasalanan ko ang lahat. I'm so sorry Maddi," sinserong sabi nito.

"Tapos na naman 'yon Renjie kaya kalimutan na natin," nakangiting sabi niya.

Hinawakan nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa. Naging lalong mabilis ang tibok ng puso niya. Bakit ba kapag hahawakan siya nito ay ganoon ang nararamdaman niya?

Gumanti ito ng ngiti. "Salamat Maddi," inalis nito ang kamay. "Kumain ka na habang mainit pa ang adobo ko," pagmamalaki nito sa niluto.

You Make Me Love You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon