Chapter 2

9.6K 181 12
                                    

CHAPTER TWO

PAKANTA-KANTA pa si Maddi habang binubuksan ang gate ng bahay niya. Finally, she's home after a long tiring day. Pero masaya siya ngayong araw, nakatagpo siya ng mga bagong kaibigan sa katauhan ni lolo Dan at tito Jin. Kaninang habang nasa biyahe ay naikwento niya halos lahat ng tungkol sa buhay niya. Nalaman ng mga ito na ulila na siya at humanga ang mga ito sa kanya dahil nabubuhay pa rin siya ng maayos at positive ang way of thinking ng buhay niya. Maraming negosyo ang mga ito na pinamamahalaan na susunod na ipapasa sa apo ni lolo Dan na ayon rito ay napakasalbahe. How she loves to meet that man, pero siguro hindi sila magkakasundo dahil nga salbahe ito.

Naglakad siya papunta sa pintuan. Pinihit niya ang seradura, lumikha iyon ng ingay dahil sa katahimikan. Kinapa niya ang switch sa gilid ng pader at pinindot iyon.

Ganoon na langg ang panlalaki ng mga mata ni Maddi sa tagpong nakita. Literal na umawang ang bibig niya. Pinagsama-sama niya lahat ng hangin sa kanyang baga, diaphragm at tumili ng pagkalakas-lakas.

She's just dreaming! Yes! Probably! Isang lalaki na nakaupo sa sofa habang nakakandong ang isang babae rito at naghahalikan na para bang wala ng bukas. Nakalingkis ang babae na parang sawa sa lalake. Walang damit pang-itaas ang lalaki at boxer shorts lang ang suot. Ang babae naman ay...Oh heaven! How can she pick a word to describe that scene?

Ibinuhos niya lahat ng hangin sa baga niya at patuloy pa rin siya sa pagsigaw.

"Will you shut the hell up?"

Tumigil lang siya sa pagtili pagkarinig sa malakas na boses. Pinagmasdan niya ang mga ito. Ang babae ay halos 'di malaman ang gagawin samantalang ang lalaki ay matalim ang tingin sa kanya. But who cares? She needed to say something. Anong ginagawa ng mga ito sa bahay niya? Hindi siya papayag na lapastanganin ng mga ito ang pamamahay niya.

"Who are you? What are you doing inside my house?" mariing tanong ng lalaki. Hindi man ito nag-abalang magdamit. Iniiwasan rin niyang mapadako ang tingin sa hindi dapat. Peste! Nagkakasala tuloy ang beautiful eyes niya

"Sino ako?" wala sa sariling turo niya sa sarili. "Ako si Maddi." Teka bakit ba siya nagpapakilala sa mga ito? Teka lang... bahay nito? Nasisiraan na ba ng bait ang lalaking ito? Hindi siya naliligaw, sa kanya ang bahay na nilapastangan ng mga ito. Pinagmasdan niya ang mga ito, parang naghihintay ng kanyang sagot pero parang may mali. Bakit pakiramdam niya ay nasalang siya isang court trial at sukol na sukol siya? Hindi pwede! Lalaban siya! Kailangang siya ang manalo sa trial na 'to!

Huminga siya ng malalim, nag-isip ng pwede niyang gawin at para namang may bombilyang pumitik sa sentido niya. Salamat ng marami sa neurons niya at mabilis iyong gumana. Tumayo siya ng tuwid at pinaningkitan niya ng mata ang mga ito. Sigurado siyang lalong lumiit ang mga mata niyang singkit. Member naman siya ng theater noon sa eskwela nila, this time she can use that learning.

"How dare you!" malakas na sigaw niya at dinuro ang mga ito. "Ang lakas ng loob niyong maglampungan sa loob ng pamamahay ko! At magkunwaring hindi mo ako kilalang lalaki ka?" kunwa'y maiiyak na sabi niya. Ito lang ang alam niyang paraan para mapalayas ang mga ito at mapahiya sa kanya.

"Ikaw!" tinignan niya ng matalim ang babae. Kita niyang nabigla ito. "Hindi ka na nahiya sa balat mo at asawa ko pa ang nilalandi mo." Hinawakan niya ang dibdib, alam niyang convincing ang acting niya. Tumulo ang mga luha niya, "Ikaw lalaki! Walanghiya ka talaga! Itong igaganti mo sa akin? Pagkatapos kong ibigay sa'yo ang lahat-lahat. My body and soul," maarte pang sabi niya. "Porke't buntis ako ay naghanap ka ng ibang makakapagbibigay niyang...niyang," humagulgol siya.

You Make Me Love You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon