Chapter 10 Ending!

13.7K 293 29
                                    


CHAPTER TEN

"THIS is all your fault old man!" marahas na sigaw ni Renjie sa kanyang lolo.

Nasasaktan siya, lalo na nang makita niya kung paano umiyak si Maddi. Gusto niyang magpaliwanag rito pero nakikita niya ang galit sa mga mata nito.

Nagkakamali ito sa lahat ng sinabi nito. Totoo ang deal na narinig nito pero ang pinakatotoo sa lahat ay ang pagmamahal na naramdaman niya para kay Maddi. Mahal na mahal niya si Maddi. Totoo lahat ng ipinakita niya rito. Ang mga yakap at halik niya rito ay totoong-totoo. Kahit na ano'ng kumbinse niya sa sariling hindi niya gusto si Maddi ay nahahanap niya ang sariling masaya sa tabi nito. Walang peke sa lahat ng sinabi niya rito noong mga araw na kasama niya ito.

Ang alok niyang kasal, iyon ang pinakamagandang bagay na nagawa niya sa buong buhay niya. Hindi siya naniniwala sa salitang kasal pero habang tinitingnan niya si Maddi ay ito lang ang kaisa-isang gusto niyang makasama habang buhay.

Kanina sa restaurant ay masaya lang silang nagbibiruan ng lolo niya. Labis ang pasasalamat niya rito dahil sa deal na iyon ay na-realized niya ang napakaraming bagay. Ang sabi ng lolo niya ay ginawa nito ang deal na iyon para sa kanya. Para sa kanila ni Maddi dahil malakas raw ang paniniwala nito na si Maddi lang ang nararapat para sa kanya. Laking pasasalamat niya kay lolo Dan dahil ito ang dahilan kung bakit masaya siya ngayon. Hindi rin nagkamali ang lolo niya dahil higit na siya lang karapatdapat para kay Maddi. Sinabi pa nitong si Maddi lang gusto nitong maging bahagi ng pamilya nila. Nakahanda na niyang dalhin sa bahay nila si Maddi pero nagkagulo ang lahat. Mahal na mahal niya ito kaya ngayon ay hindi niya alam ang gagawin.

"Tumahimik ka!"' sigaw ng lolo niya. Akmang hahampasin siya ng tungkod nito nang maka-iwas siya.

"Ang sabi mo sa akin ay alam na ni Maddi na lolo kita," reklamo niya. "Kaya pala wala siyang binabanggit tungkol sa'yo dahil hindi pa niya alam. Ngayon narinig pa niya tayo sa deal na iyon. Ano'ng gagawin ko ngayong galit na galit siya sa akin?" helpless na sabi niya.

"Tsk! Tsk! Tsk! Ano ba kasi'ng kalokohan ang ginawa niyong dalawa eh?" singit ng papa niya.

Matalim ang mga matang tiningnan ito ng lolo niya. "Kasalanan mo ito Reijin! Kung hindi mo dinala si Maddi roon ay hindi niya maririnig ang bunganga ng anak mong 'to!"

"Aba!" kontra nito. "Ano ba'ng alam ko sa kalokohang deal niyong dalawa?" walang anomang sabi nito.

"Lo! Ikaw ang may kasalanan talaga," pamimilit ni Renjie. "Sana kaagad niyong sinabi sa akin na hindi pa alam ni Maddi. 'Edi sana ako na ang bahalang nagpaliwanag sa kanya. Hindi na sana tayo umabot ng ganito."

"Baka!" anito sa wikang Nihongo na sinasabi lang nito kapag galit. "Kesa ako ang sinisisi mo ay lumayas ka rito at hanapin mo si Maddi. At huwag na huwag kang babalik rito nang hindi mo siya kasama. Naiintindihan mo ba?"

Seryoso ang lolo niya, alam niya. Tiningnan niya ang papa niya, tumango ito na sinasabing sundin niya ang utos ng lolo niya.

"Sige na Renjie, anak. Hanapin mo na si Maddi. Gusto ko nang makita ang mamanugangin ko," nakangiting sabi rin ng mama niya. Nandoon rin ito at nagising sa lakas ng boses nila.

Humugot siya ng malalim na hininga bago kinuha ang susi ng kanyang kotse at lumabas na ng bahay.

Pagsakay sa kotse ay abot-abot ang hiling niyang sana ay nasa bahay pa si Maddi. Gabi na at wala itong ibang matutuluyan kaya kailangan niya itong maabutan.

You Make Me Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now