Chapter 6

8K 154 1
                                    

CHAPTER SIX

"ANG pangit naman ng kuha ko rito," angal ni Renjie habang sinisipat ang camera ni Maddi.

Pumasok siya sa loob ng kwarto ni Maddi ng walang pahintulot nito. Salamat at umalis ito ng bahay. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Tamang-tama ang pagkakataon at kaagad siyang pumasok sa kwarto nito.

Pinakialaman niya ang camera nito at doon ay tumambad sa kanya ang mga magagandang larawan. Merong mga tao na iba't-iba ang expresyon, mga animals at ang higit na nakaagaw ng pansin niya ay ang mga magagandang tanawin. Nakakaakit ang ganda ng mga iyon. Kaya siguro hindi kataka-takang mahal na mahal ni Maddi ang camera. Magaling talaga itong kumuha ng mga litrato. Pagdating roon ay wala siyang maipipintas kay Maddi. Alam niyang freelance photographer ito, nag-iisa na lang sa buhay at lumaki ito sa bahay na pinag-aagawan nila ngayon.

Lalong siyang humanga ng makita niya ang mga litrato niyang kinunan nito. Merong pangit na talagang kuhang-kuha ang expresyon niya kaya ayaw niya ang mga iyon dahil siyang-siya ang nasa litrato. Meron rin noong natulog siya sa bodega na boxer shorts lang ang suot niya. Hindi niya maiwasang mangiti sa mga nakita. Magaling ngang photographer si Maddi.

Araw-araw ay bangayan ang nangyayari sa kanila. Wala pa ring itong balak umalis sa bahay. Marami na siyang ginawang paraan para umalis ito pero wala pa ring epekto rito. Nagdala na siya ng mga babae sa bahay pero wala pa rin itong pakialam. Ito palagi ang nakakalamang sa kanya. Pero nagkakamali ito kung sa tingin nito ay mapapalayas siya sa bahay niya. No way! Kanya ang bahay at si Maddi ang dapat na umalis.

Natigilan siya sa pagtingin sa camera ng tumabad sa kanyang paningin ang litrato ni Maddi. Napakaamo ng mukha nito sa kuhang iyon na taliwas sa Maddi na kilala niya. Isang pilya at isang Maddi na hindi nauubusan ng mga plano laban sa kanya. Napakaganda ni Maddi, aaminin niya iyon. Hindi ito mataba, hindi rin payat, tama lang ang pigura ng katawan nito. Mahaba ang buhok, maganda ang shape ng mga mata na gustong-gusto niya dahil may pagka-singkit ang mga iyon. Matangos rin ang ilong nito na bagay sa mukha nitong bilugin.

Napadako ang tingin niya sa labi nito. Biglang tinambol ang puso niya. Naalala niya noong hinalikan niya si Maddi. Hindi niya maintindihan kung bakit nagawa niya ang bagay na iyon. Hindi si Maddi ang tipo ng babaeng gusto niya. Ang gusto niya sa babae ay matangkad, payat, maputi at sopistikada. Higit sa lahat ay game sa mga laro niya. But what the heck! He kissed Maddi and he liked it. Kahit hindi tinugon ni Maddi ang halik niya ay napakasaya niya dahil nahalikan niya ito. Alam niyang iyon ang unang halik ni Maddi dahil hindi ito marunong tumugon pero nagustuhan niya ang lambot ng mga labi nito. Nilukob siya ng kakaibang damdamin ng gawin niya iyon pero hindi niya kayang bigyan ng kahulugan iyon.

Ipinilg niya ang ulo, hindi niya magugustuhan si Maddi kahit kailan. Siya ay isang supermodel na hindi magkakagusto sa isang tulad ni Maddi. He has to do his plan now. Nagsasawa na siya sa mga ginagawa ni Maddi laban sa kanya. Siya naman ang gagawa ng paraan para tuluyan na itong umalis sa bahay niya.

Hawak ang camera nito ay tumayo siya at lumabas ng kwarto ni Maddi. He is very much sure na mapapaalis na niya si Maddi sa bahay niya.

"NASAAN na iyon?" naiiyak na sabi ni Maddi sa kanyang sarili.

Natatandaan niyang ipinatong lang niya ang camera sa mesa pero wala iyon roon. She's starting to panic. Matagal na sa kanya ang camera niya. Napakahalaga sa kanya ng camera na iyon dahil iyon ang regalo sa kanya ng mga magulang niya noong nasa college pa siya. Iniingatan niya iyon, ayaw niya iyong palitan ng bago dahil ang tingin niya iyon ang swerte sa buhay niya. At ang camera niya ang kanyang buhay. Hindi siya mabubuhay kung wala ang camera niya. Iyon ang nakakapagbigay sa kanya ng kaligayahan pero nawawala ito ngayon.

You Make Me Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now