Deact43

84.3K 4.1K 375
                                    

11:19pm

Iris:
Colleen, sino nga ulit yung lalaking namatay dahil sa dorrem?

Colleen:
Waaah sa wakas at nagmessage ka din. Namiss kita! Bakit ka ganyan?! Puro seen natanggap ko sa'yo!

Colleen:
Si Kael yung namatay dahil sa dorrem. Hanggang ngayon walang nakakaalam kung anong rule nilabag niya at bakit siya namatay.

Colleen:
Bakit mo natanong?

Iris:
May nag message sa'kin about sa partners na pinaglaban at namatay ang lalaki. Sa tingin ko si Kael ang tinutukoy niyang namatay.

Colleen:
Shit. Partner pinaglaban? Hala! Wala akong laban sa partner ko! Jusme pano 'to?!

Iris:
Nakakainis. Ako din. Hindi ko kayang labanan si Zero. Wala din akong planong labanan siya.

Colleen:
Nakwento mo na ba to kay Zero? Dapat sabihin mo sa kanya para alam niya!

Iris:
Ilang linggo ko na siyang hindi kinakausap. Sa tingin ko ay galit na din siya sa'kin dahil lagi ko siyang inuunahan gawin ang missions na para dapat sa'ming dalawa.

Colleen:
Loka ka kasi! Bakit mo sineseryoso ang Dorrem?! Baka mamaya mapahamak ka sa ginagawa mo!

Iris:
Hindi ko naman din gusto. Kaso masyadong mapanganib ang parusa na katapat sa bawat pinapagawa sa'kin netong nakaraan. Laging nakalagay ang mangyayari kapag hindi ako sumunod. Laging may mga taong madadamay.

Colleen:
Kaya ka ba umiiwas sa'min?

Colleen:
Iris, huwag mong pasanin lahat. Handa kaming tumulong.

Colleen:
Huwag mo din sundin lahat ng gusto ng laro. Unti-unti ka ng nagiging katulad ng mga batikan sa laro na kontrolado at hawak na sa leeg ng Dorrem. Ayokong magaya ka sa kanila.
 
 

DEACTIVATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon