Epilogue

145K 4.2K 3.5K
                                    

Epilogue

Nasa harap kami ngayong dalawa ni Zero sa puntod ni Colleen. Tahimik kaming nakatingin sa lapida niya. Kaming dalawa lang ang nandito habang ang mga Kuya ni Zero na naghatid sa'min ay nasa 'di kalayuan at naghahantay sa'min.

Hindi ko ipinahalata kay Zero ang panginginig ng kamay ko habang nakatingin sa lapida ni Colleen.

She's gone like Kael.

But what the hell was that notif last night?! Bakit may laro na naman na nainstall sa phone ko? It's a freaking new phone. Bakit ganoon? Paano ako nasundan? Bakit may nakikipaglaro pa rin?!

"Zero, nabura mo na din ba ang Dorrem?" Tanong ko. Seryoso siyang tumango.

"Yup. Deactivated account. Deleted app. Wala na ang Dorrem, Iris. It's over." Sagot niya saka hinawakan ang kamay ko.

"Bakit nanginginig ka?" Tanong niya bigla saka ako tinignan na tila naalarma.

Ramdam ko ang panginginig ng mata ko nang mapatingin ako sa kanya.

It's not yet over, Zero.

A new game was installed

And I'm a player.

Again.

"Naaalala ko lang si Colleen." Sagot ko saka umiwas ng tingin. Ang hirap magsinungaling sa kanya.

Nakakapagtaka. Bakit hindi alam ni Zero ang tungkol sa bagong laro? Wala ba siyang natanggap na notif nung isang gabi?

Napahigpit ang hawak ko sa kamay niya.

Should I tell him?

Kaso baka maglaro din siya kapag sinabi ko. Argh! Hindi ko alam ang gagawin ko!

"Are you okay? You're still shaking. Gusto mo bang umuwi na tayo?" Nag-aalalang sabi ni Zero saka ako hinarap sa kanya.

"Zero---"

"Zero, Iris, umuwi na tayo. Didilim na." Pagsingit bigla ni Zephyr, kuya ni Zero. Naglalakad siya papunta sa'min.

Pasimple akong napakagat ng labi. Sasabihin ko na dapat eh! Bakit naman biglang dumating 'tong si Zephyr? Ugh. Wrong timing naman!

"Susunod kami." Sagot ni Zero sa kuya niya.

Nagulat ako nang makahulugang tumingin si Zephyr sa'kin saka pasimpleng umiling.

Napalunok ako.

Wait.

May alam ba siya...?

"Hintayin namin kayo ni Zeus sa kotse." Aniya saka kami tinalikuran ni Zero. Sinundan ko siya ng tingin. Bakit siya umiling bigla? Alam ba niya ang tungkol sa bagong laro?

Nagulat ako nang biglang hinawakan ni Zero ang noo at leeg ko.

"H-huy, ano yan...." Nautal kong sabi tuloy.

Tinignan ako ni Zero sa mata.

"Tinitignan ko lang kung may lagnat ka. Kanina ka pa kasi balisa. Are you okay? Are you sick?" Sunod sunod niyang sabi sa'kin. "Bakit ka nanginginig? Nilalamig ka na ba?"

Tahimik akong napabugtong hininga, tumango, saka siya dinamba ng yakap. Siniksik ko ang sarili sa kanya.

"Iris, what's wrong? Tell me." Bulong niya saka ibinalot ang braso sa'kin.

Damn it, Zero.

Ayokong madamay ka pa uli.

Sana... Sana huwag ka magalit sa'kin dahil nagsisikreto ako ngayon sa'yo. Pasensya na. Hindi ko talaga kayang sabihin sa'yo.

DEACTIVATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon