Deact45

96.6K 4.4K 1.4K
                                    

Iris' Point of View

1:00pm

Busy ang karamihan sa pagbili ng tickets para sa play mamaya sa hall. Alas sais ng hapon gaganapin ang pagtatanghal. Tahimik akong nagmamasid dito sa second floor ng mga studyanteng nakapila para sa ticket at manunuod mamaya.

Halu-halo ang manonood. May players, may mga hindi. Hindi ko alam kung bakit pero parang nagoobserba din ang ibang player na kagaya ko. Posible kayang may mission din sila?

Nakakatinginan ko ang iba sa kanila at tila nagkakaintindihan kami. Dammit. I think I'm right, hindi lang ako ang may mission mamaya.

Inis akong napabuga ng hangin saka umalis sa kinatatayuan ko.

My mission was just to set the stage on fire and not let Margaux to perform. I must do it without harming an innocent. My plan is to do it when the students are all off the stage. The problem here is, how about the other players? What's their mission? Baka masira ang mga plano ko dahil sa kanila.

Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Zero.

Okay na sana...

Kaso bakit may babaeng nakakapit sa braso niya?

Tahimik kong tinignan sila Margaux at Zero na makakasalubong ko. May kirot akong naramdaman nang maalala ko yung nasa litrato at video. Bakit siya nasa kama ni Margaux? Bakit naghalikan sila? Napalunok ako at pilit na nagpanggap na hindi ako naaapektuhan na magkasama sila.

Kaya ba tumigil na din sa pag-usap sa'kin si Zero? Kasi may Margaux na siya?

Hindi ako pinansin ni Zero nang makita niya ko. Wala lang. Parang hindi niya ko nakita.

Bakit ang sakit?

Lalampasan ko na dapat sila nang malakas pa talaga akong binunggo ni Margaux sa balikat. Shit! Iniwasan kong mapadaing dahil sa pagtama niya. May sugat ako sa parteng 'yon! Naramdaman ko ang muling pagbuka ng sugat sa balikat ko. Ang sakit!

Pasimple kong tinakpan ang balikat ko gamit ang buhok para hindi nila makita ang pagkalat ng dugo.

"Ay. Sorry, Iris. Nakaharang ka kasi!" Paninisi pa ni Margaux. Naiilang akong napatingin kay Zero na seryoso lang nakatingin sa'kin. Parang sa akin pa siya galit.

Muli kong naramdaman ang kirot. Bakit ganito?

"Wala akong oras para sa katangahan mo, Margaux." Inirapan ko siya saka nilampasan, pero dahil epal talaga siya, hindi siya tumigil. Madiin niyang hinawakan ang balikat ko saka ipinihit paharap sa kanya. Bakit naman doon pa talaga siya dumiin ng hawak?!

"Ano ba!" Sigaw ko. Ngumisi lang si Margaux.

"Napanood mo na ba yung video namin ni Zero?" Tanong niya saka pasimpleng hinila si Zero sa braso para mapalapit sa kanya.

"Oo. Oh tapos?" Inis kong tanong.

"Anong masasabi mo?" Nakangising tanong ni Margaux. Napatingin ako nang wala sa oras kay Zero. Wala. Seryoso lang siya. Bored siyang nakatingin sa'kin. Mukhang tinotoo na nga niya ang sinabi ko sa kanya na layuan ako.

Napairap ako kay Margaux. "I don't care." Asik ko sa kanya.

"Tss. Sabihin mo inggit ka lang." Aniya at itinulak ako sa balikat ulit bago hinila si Zero palayo. Masaya siyang kumapit ulit kay Zero saka naglakad na at tinalikuran na nila ko.

Napayuko ako nang tuluyan saka patagong napakagat ng labi sa sobrang sakit ng sugat.

Pinalalala pa ni Margaux dahil sa pagtulak nang malakas. Aish. Pahamak na players kasi, napagtulungan akong pagtripan nung isang gabi. Nasugatan nila ko!

DEACTIVATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon