Deact46

96.9K 4.4K 1.7K
                                    


Napapalingon na ang karamihang studyante sa direksyon namin. Panigurado'y nagtataka sila kung bakit kami napapalibutan ni Zero ngayon ng mga lalaking ito.

Nakita ko din kung paano pasimpleng nag-uusap ang mga players na nasa paligid. Malamang ay kinutuban na sila na dahil sa Dorrem ang nangyayari ngayon.

Ngumisi ang isa sa mga lalaki. Nagulat ako nang bigla itong sumugod kay Zero! Umamba ito ng suntok!

Luckily, Zero quickly dodged the punch. Malutong siyang napamura sa galit saka bumawi at sinuntok ang lalaki. Tumama ito... na naging dahilan ng pagsugod na ng iba.

Napaatras ako habang nanunuod ng laban. Pinagtutulungan na nila si Zero!

Inis na lumaban si Zero sa kanila. Malakas niya itong pinagsusuntok at pinagtatadyak. Hindi siya nagpatalo. Ang isa sa mga lalaki ay nagdudugo na ang ilong. Ang iba naman ay puro galos na. Kada lapit ng mga lalaki sa kanya ay mabilis at malakas niya itong nilalabanan.

Nalaglag ang panga ko nang makitang kumuha ng malaking bato ang isang lalaki at akmang ihahagis kay Zero!

Abala si Zero sa paglaban kaya hindi niya namamalayan. Shit! Bahala na! Mabilis kong tinulak si Zero kahit nakikipaglaban pa siya. Ang malaking bato ay hindi tumama sa kanya, kaya lang ay dumaplis ang matalim na parte ng bato sa'king braso mismo.

Nagkasugat ito at agad na dumugo.

"Iris!" Sigaw ni Zero kaso hindi agad siya makalapit dahil napalibutan na naman siya ng mga lalaki. Malakas niyang pinagtutulak at pinagsusuntok ang kalaban. Maliliksi ang kanyang galaw sa tuwing nailag.

Sa kanyang pakikipaglaban ngayon ay mas lalo kong napapatunayan na sanay na nga siya sa ganitong klase ng laban. He's notorious for being a great underground fighter. Suki siya ng underground battles. Madami na siyang nakalaban. The way he fights right now proves that he is way better than these amateurs.

Nang mapatumba niya ang mga lalaki ay agad siyang pumunta sa direksyon ko. "Iris, damn it." He cursed upon seeing the cut.

Galit na galit ay muli siyang umalis sa harap ko at malakas na pinagsisipa ang bumato kanina. Malutong niya itong pinagmumura.

Pagkabalik niya ay nag-aalala siyang tumingin sa'kin. "I need to get you out of here." He whispered.

Hinawakan niya ang kamay ko saka mabilis na tumakbo. Ang iba sa mga lalaki ay nagtangka pa kaming habulin! Mabilis kaming kumaripas ni Zero hanggang sa nahirapan na sila kaming abutan.

At dahil may play mamaya ay doon kami sumiksik ni Zero sa maraming studyante para hindi kami agad makita.

Nag-aalalang tumingin sa'kin si Zero sunod sa sugat kong nagdudugo habang kami ay nakikihalo sa maraming tao. Nabubunggo ako ng iba kaya mas lalo akong nahihirapan.

"Give her a fucking way. Dammit!" Iritang sabi ni Zero sa mga bumubunggo sa'kin. Mabilis silang napausog tuloy bigla. Ugh!

"Sshh. Zero, calm down." Pagpapahinahon ko.

"You're bleeding again, Iris. How can I fucking calm down?!" Galit niyang sabi sa akin saka ako tinangay ulit. Mabibilis ang aming lakad. Nakakatakot ngayon si Zero kaya hindi na ko nakatanggi.

Umuulan nang malakas pagkalabas namin. Mas lalo naming binilisan dahil wala kaming payong. Nang marating namin ang parking lot ng Lancaster ay mabilis niya kong pinasakay sa kotse niya. Mabilis siyang umikot at sumakay din. Sinimulan niya ang kotse at mabilis na pinaandar.

Namumula siya sa galit.

"Zero, you're driving. Huminahon ka nga." Saway ko. Napabuga lang siya ng hangin, mainit padin ang kanyang ulo.

Habang nagd-drive siya ay tumunog ulit ang mga phone. Mabilis kong binuksan ang notification.

Congratulations!
You completed the mission.

"Tsk." Inis kong tinago ang phone. Pahamak na Dorrem!

Napalingon ako sa phone ni Zero na tumutunog pa din. May natawag pala sa kanya. Napaiwas ako ng tingin nang mabasa ko kung sino ang tumatawag sa ngayon.

Tss.

Sinagot ni Zero ang tawag ni Margaux. Hindi niya ni-loudspeaker. Hindi ko tuloy marinig ang sinasabi ng babaeng 'yon. Ang boses na lang ni Zero ang pinakinggan ko.

"Hello. Aalis muna ako saglit. I'm with Iris. What? Tss. Oo. Babalik ako. Hintayin mo ko diyan. Ihahatid ko lang siya saglit. Basta babalik ako, Margaux. Babalikan kita. Fine. Fine. Oo. Ikaw din. Salamat. Ingat." Binaba na niya ang tawag.

Nanatili akong nakatingin sa bintana at pinanood ang pagdulas ng ulan sa salamin ng kotse.

Nakakainis.

Bakit ang sakit?

"Ibaba mo na 'ko. Bumalik ka na. T-Tapos na rin naman na ang mission natin." Nabasag ang boses pagkakasabi nu'n habang nakatingin sa bintana.

"Stop playing Dorrem, Iris." Bigla niyang sagot. Napalunok ako.

"Nauumay ka na ba maging kapareha ako?" Tanong ko.

"Oo." Sagot ni Zero.

Isang salita. Walang dahilan. Walang paliwanag. Diretso lang sa gusto at punto niya.

I smiled bitterly.

Okay.

Fine.

"Stop the car and I'll stop playing the Dorrem app." Sabi ko saka tinignan siya. Napayukom ang kamay niyang nasa manibela.

"It's raining. And you're wound is still bleeding. Let me at least take you to the hospi---"

"Stop the car... or I will keep playing Dorrem." Pagpuputol ko sa kanya.

Nag-igting ang panga niya. Hindi siya makatingin sa'kin. Zero bit his lower lip in frustration. His knuckles turned white because of his strong grip on the steering wheel.

"Iris, please, just let me take you to the hospital." He replied.

"Okay. I will still play Dorrem." Sagot ko--- kaya mabilis niyang tinapakan ang preno ng sasakyan.

Itinigil niya ang kotse sa ilalim ng ulan.

Binalot kami ni Zero ng katahimikan.

"Why are you doing these to me?" He whispered. "Why are you making me feel guilty for everything?"

Wait.

"Guilty of what?" Tanong ko pero hindi siya sumagot. Tsk.

Baka hindi pwede sabihin sa'kin.

"Nevermind. Don't answer it." Mabilis kong binuksan ang pinto ng sasakyan saka lumabas ng kotse niya.

Hindi niya ko pinigilan kahit mabasa ako ng ulan. Mabilis akong naglakad palayo. Mabilis ko siyang iniwan mag-isa.

Tutupad ako sa usapan.

Hindi ko na lalaruin ang Dorrem.

Puputulin ko na din ang koneksyon ko sa kanya.
 
  
To be continued.
 
 
Note: Mabagal updates dahil sa OJT. Ugh. Maghahabol ako updates sa mga ongoing. Haha

DEACTIVATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon