Deact57

82.6K 3.9K 1.2K
                                    

Iris' Point of View
  
 
"Iris? Iris! Damn it!" Sigaw ni Zero. Patuloy akong malakas na napaubo ng dugo. Mabilis akong sinalo ni Zero nang ako'y mahilo at matumba. Maingat niya kong hinawakan habang ako'y nahihirapan sa bisig niya.

"Where's the fucking antidote?!" He screamed so loud everyone is now looking at our direction.

Mabilis na naglapitan ang mga professor na nakakita. "Tumawag kayo ng medic! Tumawag kayo ng ambulansya! Bilis!" Sigaw na ng isang prof sa mga studyante. Agad silang sumunod.

Halos mapunit ko ang tuxedo ni Zero sa mahigpit na hawak ko habang namimilipit. Ang sakit! Sobrang sakit! Ramdam ko ang pagbaba ng lason sa aking lalamunan. Malakas akong napadaing saka isinuksok ang sarili kay Zero sa sobrang tindi ng sakit. Patuloy akong naubo ng dugo.

"N-No. No. Iris. Give me the antidote! Please!" Namumulang sigaw ni Zero sa mga taong saklaw ng Dorrem. Kitang-kita ko ang taranta sa lahat ng mata ng players. Mabilis silang nagtanungan, pero tila walang nakakaalam ng sagot.

Muling tumunog ang phone ni Zero. Mabilis niyang kinuha iyon at binuksan. Galing na naman ito sa Dorrem.

Mission
Chase the missing girl tonight.
Good luck, player.

Sandaling natigilan si Zero pagkabasa niya ng mission. Naguguluhan siyang napatingin sa paligid. "Who the hell is---" natigilan si Zero. Nanlaki ang mata niya saka mabilis na inikot ang tingin sa mga nakapalibot sa amin.

Napalunok siya bigla.

"Margaux is now missing." He groaned. Mas lalo akong nahirapan huminga dahil sa narinig ko sa kanya. Margaux almost killed me because of what I did awhile ago to her gown. And now, she has my antidote?!

Patagal nang patagal ay mas nahihirapan akong huminga.

Napatayo na si Zero. Napapikit ako nang maramdaman ko ang isang matinding hilo kasabay ng sakit ng aking lalamunan at bibig. Pakiramdam ko'y nagliliyab ang aking kalamnan dahil sa lason.

"Wait for me, Iris. Please." Zero whispered.

I slowly nodded.

But after he left, I already lost my consciousness.

----

Zero:
Answer my calls, Margaux!

Margaux:
Hi, Zero :)

Zero:
I have no time to waste. Tell me where the fuck you are and give me that antidote!

Margaux:
I'll give you the antidote in one condition.

Zero:
Fine! Now what do you want?!

Margaux:
Be my Dorrem partner. :)
 
  
 

DEACTIVATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon