Deact101

87.9K 3.1K 2.5K
                                    

Mabilis ang pagpapatakbo niya ng sasakyan. Iritang nagsisigaw at nagmumura ang isang dalaga habang sinisilip sa salamin ang mga pulis na humahabol din sa kanya. Naririndi siya sa sirena ng mga sasakyan nito, pati narin sa pula at asul na ilaw na sumisilaw sa kanya sa tuwing tinitignan niya ang mga kotseng sumusunod.

May nagsumbong sa kinaroroonan niya.

Natunton nila ang pinagtataguan niya.

Ngayon ay kailangan niyang tumakas.

"Kael, sinusundan na nila tayo!" Sigaw niya sa katabi. Hindi kumibo ang kinausap niya--- na mas lalong nagpainis sa kanya.

"Argh! Papatayin talaga kita kapag nahuli nila tayo!" Pananakot niya sa bangkay.

Her sanity.

She already lost it.

All this time, she's talking to a corpse.

All this time, she messages a corpse and imagines him replying to her like before.

Nagulat siya nang makarinig ng tunog ng baril mula sa mga pulis. Binabaril nila ang gulong niya!

Napatili si Colleen nang marinig niya ang pagkabutas ng gulong ng kotseng nakaw din niya. Unti-unting bumabagal ang takbo ng gamit niyang sasakyan. Nanlaki ang kanyang mata at nilamig siya sa nangyayari.

Mahuhuli nila siya.

Hindi siya makakatakas.

Tuluyang tumigil ang sasakyan sa gitna ng kalsada at sa ilalim ng bilog na buwan. Mabilis pinalibutan ang sasakyan niya ng mga sasakyan ng pulis. Muli siyang napamura nang maglabasan ang mga ito na may hawak na baril--- at nakatutok sa kanya.

"Kael, kukunin na nila tayo! Kael!" Pagsusumbong niya muli sa bangkay saka niyugyog ang balikat nito. "Ano ba. Magsalita ka naman!"

Unti-unting lumalapit sa sasakyan niya ang mga pulis. Irita niyang ni-lock ang mga pinto ng kotse para hindi sila pumasok.

Desperada na siyang tumingin sa bangkay na katabi.

"Ayoko magpahuli! Tulungan mo 'ko!" Sigaw niya dito. Pinagpapawisan at nanginginig siya sa kaba. Malapit na ang mga huhuli sa kanya!

Napatili siya sa gulat nang biglang tumunog ang kanyang cellphone na nasa bulsa. Mabilis niya itong kinuha--- at nagulat sa nabasa.

Dorrem added a New Mission.
Click here to see content.

Hindi niya maintindihan. Bakit siya may mission? Sino ang may gawa nito? Isa na naman ba ito sa mga pinagplanuhan ni Kael bago ito mamatay?

Binuksan niya ang mensahe at binasa ang nais ipagawa sa kanya.
 

̶̲́̉ ̷̧̳̍̽̓ ̸̡̳̱́̋̊ͅ ̷͔̱̐͗͜F̵̻̔̎ĩ̵̢̟̔̂͗n̴͕͚͕̰͂̉͒͝ǎ̶͉̫̓͝͝l̴̰͍͚̽̒ ̸̖̬͙̔̉M̸͈̠̉̓î̷͕͊̽̕s̸͌̏̆͋ͅs̵̡̠̣͉̐̐i̸̪̜̅̇͑̑o̸̰̾͒̂͌ͅn̴̢̘͐̀̾͘ ̸͒͜ ̵̧̨̝͚́͐̈́
̸̙̭̅ ̴̹̔ͅ ̶̧͔͓̂͝ ̶͖̼͛ ̴͍̻͈̈́̆̏͘ ̴̡̛̛̗͌̉S̵͉̐̽ǔ̵̢̲̗͓̍͑̚ṙ̷̺͈͓͆͋̉ȑ̵͜ẽ̸̡̺̀͠ṋ̷̛͔̫̣̀̓̈d̵̼͑e̶̢̙̼͌ṟ̶̬͠,̷̧̫̼̈́͝ ̷̯̻͗͝ͅC̷̟͓͖̓͑͐͠ỏ̴̻̹̚͝l̸̨̼̰͙̇l̸̩̬̳̈e̸͉̮͔̺̒ĕ̸̖̬͕̈́͊͝n̵̪͘.̸̳̮̈́͆͜ ̵̡͎̫͖̅̾ ̴̱͘ ̶̠̗͉̍̾ ̷̼͙̌̿͒͘ͅ
 

Napasabunot siya sa buhok.

The final mission was for her?!

Muli niyang minura si Kael. She hated him for setting his account to automatically log out in case of invasion. Now, she hates him more for his automated missions and messages. She hates him because deep inside, she knows she's being played too. She hates him because she realized that she's also a player to the game she once controlled.

Surrender?

Is that what he wants?

Well, that's what she won't give.

Under the moon light, surrounded by the flashing police lights, inside a cold car and next to a decaying corpse---- a lady drank a bottle of poison.

She refused to follow the last mission.

She refused to follow the game.

Colleen Asuncion lose.

Game Over.

Game Over

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

 

DEACTIVATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon