Deact79

81.9K 3.8K 585
                                    


Hawak-hawak ng isang binata ang duguang dalaga na halos hindi na makahinga. Mahigpit niya itong yakap gamit ang kanang kamay, habang ang kaliwang kamay naman niya na may hawak na patalim ay nakatutok sa leeg ng babae.

Nasa gitna sila ngayon ng kakahuyan at nasa ilalim ng buwan. Nasundan sila ng mga pulis na ipinasunod sa kanila. Ngayon ay napapalibutan silang dalawa ng mga ito. Nakatutok ang mga baril ng pulis sa lalaki, alerto sila sa ikikilos ng binata.

Isang maling kilos niya, paniguradong tatamaan siya ng mga bala nito.

Parehas duguan ang dalawa na nasa gitna matapos mabangga ang sasakyan na gamit nila kanina. Parehas nagdudugo ang mga noo nila at tadtad ng sugat mula sa bubog. Halos hindi na mabuksan ng binata ang isang mata niyang may sugat din.

Mag takip-takip naman ang bibig ng dalaga na duguan din. Nagdudugo ang hita nito sa saksak, punong-puno din ng sugat. Hindi maintindihan ng mga pulis kung bakit pasimpleng umiiling ang babae sa kanila.

Sa gitna ng katahimikan, may ibinulong ang lalaki sa babae.

Mas lalong naging alerto ang mga pulis at inayos ang hawak sa baril.

--- Sunod no'n ay sobrang bilis na ng pangyayari.

Pinapakiusapan pa ng isang pulis ang binata nang sinaksak na nito bigla ang dalaga sa tagiliran. Hindi na ito nakasigaw dahil sa takip sa bibig. Sandaling nanlaki ang mata nito sa gulat. Tulo ang luha niya nang tumingin siya sa binata, nginitian lang siya nito.

Tuluyang nagsara ang mata ng dalaga, malakas siyang bumagsak sa lupa.

Kasabay ng pagbagsak niya ay ang pagbaril ng mga pulis sa lalaki.

Nagliparan ang mga ibon dahil sa putok ng baril. Ang mga anino ng ibon na nagliliparan sa tapat ng buwan ang huling nakita ng lalaki--- bago tumigil ang tibok ng puso niya.

Duguan at wala na siyang buhay nang bumagsak sa lupa.

Halos mapaluhod si Zero sa naabutan. Hindi na gumagalaw si Iris. Napatakip naman ng bibig si Margaux na kasunod na dumating ni Zero sa nasaksihan. Malakas siyang nagsisigaw sa sinapit ni Xavier.

"Xavier!" Pag-iyak niya. "Xavier, bakit?!" Hagulgol niya habang pinipigilan ng pulis na lumapit sa binata na wala ng buhay.

Si Zero naman ay natulala at halos hindi makahinga habang sinusuri ng mga pulis ang babaeng nasa harap niya.

Si Iris.

Duguan na duguan ang dalaga. Nanginginig sa matinding galit ang binata.

May inosenteng nabiktima na naman ang laro.

Sa malamig na gabi, duguang bumagsak ang dalawang manlalaro.
 
 
To be continued.

DEACTIVATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon