Deact47

83.1K 3.9K 676
                                    

8:15pm

Colleen:
Bakit lumalabas ka sa mga mission ng players?!

Colleen:
Tumigil ka ba sa paglalaro ng Dorrem?!

Colleen:
Iris, nasa mission din kita! Anong nangyayare?!

Colleen:
Alam mo naman na ikapapahamak mo lalo ang pagtigil sa laro, diba? Iris, may nangyari ba? Pupunta ako diyan!

Iris:
Huwag na.

Iris:
Ayos lang ako.

Iris:
Oo. Hindi na ko naglalaro. :)

Colleen:
Bakit?! Loka kaaaaa! Nag-aalala ako dito!

Iris:
I'm not a good player, Colleen. Bahala na Dorrem sa pagparusa sa'kin. Basta hindi na ko maglalaro.

Colleen:
Ano ba nangyari? Bakit biglaan naman?

Iris:
Pinapatigil na ko ni Zero.

Colleen:
Bakit daw?

Iris:
Hindi ko alam. Nauumay na siguro siya kapareha ako. Hahaha

Colleen:
Hala. :(

Colleen:
Pero mas lalo kang mapapahamak, Iris. Mas light pa ang punishment sa mga player na failed sa mission kumpara sa mga nagq-quit. Mag-ingat ka lagi!

Iris:
Haha kaya ko 'to. Ano ka ba. :D

Colleen:
I already joined a team in Dorrem, Iris. Huwag ka lalayo sa'kin bukas. Resbak mo ko!

Iris:
Huwag na. Baka mapahamak ka pa sa'kin.

Colleen:
Basta! Ako bahala!

11:11pm

Zero:
I'm sorry.

Seen

DEACTIVATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon