Chapter One

19.6K 304 46
                                    


MALAPAD ang ngiti ni Christine nang isoli sa kanya ni Prof. Argana ang painting na ipinasa niya rito noong nakaraang linggo. A plus ang gradong nakalagay sa likod niyon.

“Keep up the good work, Christine,” wika sa kanya ng professor.

“Thank you, Ma’am.”

“Naks! A plus na naman ba?” tanong sa kanya ng kaklaseng si Mika.

Nakangising tumango siya.

“Congrats. Galing mo talaga!”

Fine Arts Major in Painting student si Christine sa St. Claire University. Ikatlong taon na niya sa kursong iyon.

Bata pa lang siya ay mahilig na siyang mag-paint. Sa edad na lima, sa halip na barbie doll ay paintbrush ang hawak niya. Hindi na nakapagtataka kung saan niya nakuha ang hilig sa pagpipinta. Her mother, Cheryl de Vera, was one of the best landscape painter in the country. Namana niya ang talento ng ina. Tulad ng mommy niya, landscape painting din ang forte niya.

“Class, our department will be having our annual exhibit next month,” anunsiyo ni Prof. Argana.

Taon-taon ay nagdaraos ng exhibit ang departament nila. Ibibida sa exhibit na iyon ang mga artwork ng mga estudyante sa departamento nila. Lahat ng kikitain sa exhibit ay mapupunta sa foundation na tumutulong sa mga batang may cancer. Lahat ng fine arts student ay required na magpasa ng tig-iisang artwork na isasama sa exhibit.

“Ibabase ko ang final grade ninyo sa painting na ipapasa ninyo for the exhibit.”

““I want you to get out of your comfort zone. Kaya mag-aasign ako ng kategorya ng painting na gagawin ninyo.”

Natigilan silang lahat sa sinabi nito.

“Magbubunutan tayo. Kung ano ang mabubunot ninyo, iyon dapat ang kategorya ng painting na ipapasa ninyo para sa exhibit.” Inilabas ni Prof. Argana ang isang fishbowl na naglalaman ng mga tinuping papel. “Apat na kategorya lang dapat ang pagbubunutan niyo: Landscape, Abstract, Portrait at Still-Life. Pero dahil napansin ko na wala pang gumagawa ng nude painting sa inyo, isinama ko iyon sa pagbubunutan.”

Natigilan siya. Kasama sa pagbubunutan ang nude painting?

“Ma'am.” Nagtaas siya ng kamay.

“Yes, Christine?”

“Paano po kung mabunot namin ay iyong mga forte namin? Tulad ko po, paano kung landscape rin ang makuha ko?”

“Then you will stick to your forte,” sagot ng professor.

Wala namang kaso sa kanya kung abstract o portrait ang mabubunot. Gumagawa rin naman siya ng abstract at portrait paminsan-minsan. Isa lang ang hindi pa niya nasusubukang gawin. Iyon ay ang nude painting.

“Toledo, Mika.”

Sinundan ng tingin ni Christine ang si Mika na siyang tinawag ng professor nila. Tinungo nito ang fish bowl na nakapatong sa gitna ng prof's table. Kitang-kita niya ang kaba sa mukha nito habang binubuksan ang nakabilot na papel na kinuha nito sa fishbowl.

“Abstract.”

“Tolentino, Christine.”

Nagtungo siya sa harapan ng klase nang tawagin ang pangalan niya. Ipinasok niya isang kamay sa fishbowl.

Landscape, please! wika niya sa isip bago ipasok ang kamay sa fishbowl.

Binuksan niya ang papel na nabunot niya. Kung hindi man landscape, puwede na rin ang abstract. Basta huwag lang—

NUDE.

Natigilan siya nang makita ang nakasulat sa papel.

“Nude? Nude painting?!”

 Falling for Mr. Pa-fall (Published under PHR/Unedited Version) Where stories live. Discover now