Chapter Five

8.4K 218 11
                                    

IKALAWANG araw ng session nila ni Adam.

Kahit na ilang beses na niyang nakita ang katawan ni Adam ay hindi pa rin niya mapigilang hindi mamangha. Hindi pa rin nagbabago ang epekto niyon sa kanya.

Pagkatapos ng isang oras awtomatikong lumapit sa kanya si Adam. “So…” Ibinaba nito ang mga mata sa mga labi niya.

“Yeah, I know…”

Hindi tulad noong una, ngayon ay hindi na siya parang hihimatayin habang hinihintay ang paglapat ng mga labi nito sa kanya.

She was still nervous as hell. Her heart was still beating like crazy. But despite that, she couldn't hide the twinge of excitement she was feeling right now.

And then his lips finally captured hers. Unlike the first, his kiss was very different now. Kusang pumikit ang mga mata niya nang maramdaman ang paggalaw ng mga labi nito sa kanya.

His kiss was gentle and sweet. His lips were so soft and sweet against hers. Every move of his expert lips were sending waves of electrons in her veins. Butterflies were all over her stomach. Her heart was pounding hard in her chest. Parang anumang sandali ay lalabas ang puso niya mula sa kanyang dibdib. Namalayan na lang niyang kusa nang gumagalaw ang mga labi niya para tugunin ang halik ng binata. Tila may sariling utak ang kamay niya nang umakyat iyon at kumapit sa batok ni Adam.

She didn't know how long they were kissing; all she knew was that they were both gasping for air the moment their lips parted.

Adam's dark deep eyes greeted her when she opened her eyes.

Sa isang iglap ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Gusto niyang takpan ang mukha sa kahihiyan. Gusto niyang…

Adam smiled at her. It was a gentle smile that’s enough to melt someone's heart. “That was…” Isinandal nito ang noo sa kanya. “…the best kiss I've ever experience, Chris.”

Bago ito lumayo sa kanya ay pumikit ito at kinintalan ng halik ang noo niya. That move almost melted her heart.

“Come on...” Hinawakan nito ang kamay niya at inakay siya palabas ng kuwarto. Namlalambot ang mga tuhod niya habang naglalakad sila patungo sa kusina.

“WAIT, may kukunin ako sa ref,” wika ni Chris kay Adam habang kumakain sila.

Tumayo siya at pumunta sa ref para kunin ang graham cake na ginawa niya kagabi.

“Mango float?” ani Adam matapos niyang ilapag sa mesa ang Tupperware at buksan ang takip niyon.

“Yup. Ginawa ko kagabi.” Ipinaglagay niya ito sa platito.

“Thank you, Chris.”

Agad itong kumutsara ng dessert at dinala sa bibig.

“Uhm, anong lasa? Okay ba?” nag-aalalang tanong niya sa lalaki.

“Sarap!” malaki ang ngiti sa mga labing sagot nito. Muli itong sumubo. “Pero, alam mo? May alam akong dessert na mas masarap dito.”

Awtomatikong namula ang magkabilang pisngi niya nang mapansin ang pagtitig nito sa mga labi niya. Bumilis ang tibok ng puso niya nang maalala ang halik na pinagsaluhan nila kanina. Hanggang ngayon ay damang-dama pa rin niya ang pakiramdam ng labi nito sa kanya.

Subalit gaano man ito kasarap humalik, hindi pa rin siya maaaring mahulog dito.

“Teka, Adam. Umuulan pa,” wika niya sa lalaki nang magpaalam ito sa kanya.

Pagkatapos nilang kumain ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mag-iisang oras na ang nakalipas subalit hindi pa rin humihina ang ulan.

“Hintayin mo munang huminto. Baka baha na sa daan.” Nag-aalala siya nab aka kung ano ang mangyari rito kapag sumugod ito sa ganoong kalakas na ulan.

 Falling for Mr. Pa-fall (Published under PHR/Unedited Version) Where stories live. Discover now