Chapter Seven

8.4K 212 18
                                    

"N-NANLILIGAW sa ‘yo si Adam?!”

Pinanlakihan ng mga mata ni Chris ang kaibigan nang pagtinginan sila ng mga nasa katabing mesa nila sa school cafeteria.

“Nililigawan ka ni Adam?” ulit nito sa mas mahinang boses.

Bumuntong-hininga siya at tumango.

“Oh em gee, girl!” Impit na tumili ito. “I told you, type ka niya!”

Hindi siya makapaniwala na talagang tototohanin ni Adam ang sinabi nito sa kanya kagabi. Buong akala niya ay nagbibiro lang ito.

Natigilan si Chris nang bumungad sa kanya si Adam sa entrance ng St. Claire. Nakatayo ito sa harap ng gate habang hawak ang isang malaking pumpon ng bulaklak.

He was wearing a white polo, dark pants and pair of top sider. His face was sinfully handsome in every corner. Wala siyang makitang bahid na nagkasakit ito kahapon.

May kung anong kumislot sa puso niya nang magtama ang mga mata nila.

“Adam?”

“Good morning, Chris.” Adam flashed her his melting smile as he handed her the bouquet of flower he was holding.

“W-what's this?”

“This is me courting you, Chris.”

Muntik nang malaglag ang panga niya sa narinig.

Hanggang ngayon ay malinaw na nakatatak sa utak niya ang lahat ng sinabi nito kagabi.

“Seryoso ka ba?”

“I'm serious as hell, baby.”

Bukod sa bulaklak ay inabot din nito sa kanya ang hawak nitong paper bag. “I wanted to give you chocolates but I remember chocolates are bad for someone who has an acidic stomach. Instead, I prepared you sandwich.”

“Girl, ito ba iyong flowers na ibinigay niya sa 'yo?”

Iniharap sa kanya ng kaibigan ang Ipad nito.

Tumambad sa kanya ang picture ng bouquet na natanggap niya mula kay Adam. Naka-post iyon sa instagram ng binata. May kasama iyong caption na:

'There's always a first time for everything. <3

#waitingforher

Ano ang ibig sabihin ng caption nito. Na siya ang unang babaeng binigyan nito ng bulaklak?

Parang may humaplos sa puso niya sa post ng binata. Kung kinikilig man siya ay hindi niya iyon ipinahalata sa kaibigan.

“Girl, grabe ka, tinamaan talaga sa 'yo ni Adam!” Ibinalik nito ang tingin sa Ipad. “Ang daming likes at comment, ah. Lahat sila curious kung sino ang mystery girl ni Adam...” Kunot-noong tiningnan siya ng kaibigan. “Hoy, bakit wala ka man lang reaksiyon diyan?”

 Falling for Mr. Pa-fall (Published under PHR/Unedited Version) Where stories live. Discover now