Chapter Three

9.4K 223 13
                                    

TWO weeks.

Dalawang linggo na lang at exhibit subalit hanggang ngayon ay bigo pa rin si Christine na makahanap ng subject para sa nude painting niya.

Salungat sa sinabi ni Imee, hindi pumayag ang kaklase nito na maging subject ng painting niya. Kahit ang mga kaibigan ni Evan sa APO ay tinanong na rin nila, subalit wala siyang napapayag ni isa man sa mga ito.

And now, she was left with no choice but to come back to Adam! Hindi niya gustong kainin ang kanyang mga sinabi subalit wala na siyang ibang pagpipilian. Hindi niya kayang magkaroon ng bagsak na grades sa finals. Si Adam na lang ang pag-asa niya.

Come on, Christine…

Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya pagdating sa tapat ng indoor pool.

“Uh, Manong Guard, may practice po ba ngayon ang swimming team?”

“Oo.” Bahagyang nagtagal ang tingin nito sa kanya. “Ikaw iyong girlfriend ni Adam, di ba?”

“Uhm, ano po…” Gusto niyang itama ang sinabi nito subalit kapag ginawa niya iyon ay baka hindi siya makapasok sa loob. Sa huli ay ngumiti na lang siya.

“Sige, pasok ka na sa loob—O, tapos na pala ang practice, eh.”

Natanawan niya ang pamilyar na bulto ni Adam. Kasama nito ang dalawang lalaki na naabutan niya noong una niyang puntahan si Adam. Pare-parehong may nakasabit na gym bag sa balikat ng mga ito. Nag-uusap ang mga ito habang si Adam ay pinaglalaruan ang hawak na mansanas sa isang kamay.

Hindi napigilan ni Christine na pasadahan ng tingin ang lalaki. He was wearing a black jeans and a white v-neck shirt.

Pagbalik niya ng tingin sa mukha nito ay saktong bumaling sa direksiyon niya ang binata. Nagtama ang mga mata nila.

Awtomatikong nagwala ang puso niya. Lalo pang naghuramentado iyon nang bigyan siya ng lalaki ng isang malapad na ngiti.

Relax...heart!

Binalingan nito ang dalawang kasama bago lumapit sa kanya. Dumiretso palabas ang dalawang lalaki habang si Adam ay huminto sa harap niya.

Ngayong kaharap niya ang lalaki ay napansin niyang bagong ligo ito. Basa pa nga ang buhok nito. Bukod sa napakaguwapo ay napakabango rin nito. His scent lingered on her nose.

Pasimpleng kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang sariling singhutin ang mabangong amoy nito. “Adam, uhm…” Hindi niya napaghandaan kung paano babatiin ang lalaki. Would she say hi?

“Christine,” he greeted her with that suave voice of his. “Kanina ka pa?”

Umiling siya. “Kadarating ko lang. Uhm, puwede ba tayong mag-usap?”

“Hmm. Tungkol saan?” Bahagyang umangat ang mga kilay nito, subalit sa kabila niyon, nanatiling nakangiti ang mga mata nito.

Sasagot na sana siya nang may babaeng lumapit kay Adam.

“Adam!” malambing na bati ng babae kay Adam sabay hawak sa braso ng lalaki. “Finally, naabutan din kita!”

“Ysa,” bati ni Adam sa babae.

“I'll have my party this Saturday,” malambing na wika ng babae kay Adam. Inabot nito ang isang card sa lalaki.  Pumunta ka, ha?”

Ngumiti si Adam sa babae. “Sure. I'll go If I'm not busy.”

Hindi niya napigilang pagmasdan si Adam habang kausap nito ang babaeng lumapit dito. Her assumption was right. Adam was a player. Walang duda.

Sigurado na ba talaga siya na papayag siya sa kasunduang gusto ni Adam?

 Falling for Mr. Pa-fall (Published under PHR/Unedited Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon