Chapter Ten

14.9K 417 46
                                    


MALUNGKOT na pinagmasdan ni Christine ang ginawa niyang painting na nakadisplay sa exhibit. It was a painting of Adam. But not his nude painting of him. This one is a full-face portrait of him.

That nude painting was very special to her. Iyon ang naging dahilan kung bakit sila nagkalapit ng binata at hindi niya iyon kayang ibenta sa iba.

Malungkot na bumuntong-hininga siya.

Madalas, kaya nasasaktan sa pag-ibig ang babae dahil sa nagkamali sila ng lalaking mamahalin. But in her case, it was all her fault. She did fell for the right guy, but she chose to hurt him...

"Where's my nude painting?"

Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso niya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.

"Adam..." He was standing a meter away from him.

"A-anong ginagawa mo rito?" Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang pagbagsak ng mga luha.

She missed him so much. Gusto niyang yakapin ng mahigpit ang lalaki at huwag nang pakawalan pa.

"I'm here to see you, Chris..."

"Please, kung hindi mo na ako kayang balikan, huwag mo na akong lalo pang paasahin. Kasi...itong puso ko, hanggang ngayon, umaasa pa rin sa 'yo."

Sa isang iglap ay bumalot sa kanya ang mga bisig ni Adam. "I missed you, Chris. So much."

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya. "I missed you, too, Adam. Sobra. Sobra-sobra." Bahagya siyang lumayo rito para salubungin ang mga mata nito.

"Akala ko...akala ko wala nang pag-asa..."

Masuyo nitong hinawakan ang pisngi niya at sinalubong ang mga mata niya. "Wala naman akong sinabi na hindi na kita babalikan di ba? Wala naman akong sinabi na tapos na ang lahat sa 'tin. Oo, nasaktan ako. Pero, hindi ibig sabihin niyon, mawawala na ang pagmamahal ko sa 'yo. Kahit paulit-ulit mo man siguro akong saktan, hindi pa rin ako titigil na mahalin ka."

"I'm sorry, Adam..."

"Sshh... I'm sorry, too, baby."

"Adam, naalala mo noong na-ospital ako. How did you... I mean, you're afraid of hospitals, right."

He smiled at kissed her forehead. "My love for you is greater than my fear, baby. It was greater than anything else."

"The two of you!" Sabay silang napabaling ni Adam sa nagsalita. It was Imee. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa kanila. Subalit kitang-kita sa mukha nito ang pinipigilang ngiti. "Art exhibit ito. Bawal maglambingan. Doon kayo sa labas."

"Eh, di sa labas."

"So, baby. Can we kiss now?" pilyong tanong ni Adam paglabas nila ng covered court.

Tumingkayad siya at mabilis itong kinintalan ng halik sa mga labi. "Smack muna. Mamaya na iyong iba."

He grinned. "Later?"

"Later."


WAKAS


AN: Hanggang dito na lang po ang story nina Adam at Christine. Maraming salamat po sa lahat ng nagbasa. :)

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Sep 04, 2022 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

 Falling for Mr. Pa-fall (Published under PHR/Unedited Version) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant