Chapter Two

9.6K 219 7
                                    


“JUICE colored, ang guwapo niya!”

Iniharap ni Imee kay Christine ang screen ng hawak nitong ipad. Tumambad sa kanya ang instagram account ni Adam Saavedra.

Adam Zeke Saavedra. Iyon ang buong pangalan ng lalaki.

Pagkatapos ng parada, dumiretso sila ni Imee sa coffee shop sa labas ng campus. Pagdating doon ay agad nitong inilabas ang ipad at sinimulang hanapin sa social media ang lalaki.

Napatitig siya sa display picture ni Adam sa instagram nito. Tumambad sa kanya ang pamilyar na kulay tsokolateng mga mata ng lalaki. It was a face shot with the Christ the Redeemer in Rio as the background.

Para sa kanya, understatement ang salitang guwapo para ilarawan ang mukha ng lalaki. He was... close to perfection.

Inisa-isa niya ang perpektong anggulo ng mukha nito. Malalim at nang-aakit na mga mata, makakapal na kilay, matangos na ilong, perpektong tabas ng panga, mapupulang pares ng labi na tila kaysarap halikan…

“Hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-move on sa katawan niya! Grabe lang!” Pumalakpak ito. “Perfect subject siya sa nude painting mo!”

“Yeah. He is,” sang-ayon niya sa kaibigan. Simula nang umalis sila sa Freedom Park, wala nang ibang tumatakbo sa isip niya kundi si Adam.

Matapos niyang masilayan ang perpektong katawan ng binata, wala na siyang ibang gustong ipinta sa canvas niya kundi ang lalaki. His body was a tourist attraction. And she wanted to put that attraction in her canvas.

It was like her hands were itching to paint him. Iyon ang unang beses na nagkaroon siya ng ganoon kasidhing interes na ipinta ang isang tao.

“At aminin mo, kinilig ka ng bongga sa ginawa niya. May rosas na, may kindat pa!” Nanunukso ang mga mata nito. “Hindi kaya type ka no'n?”

Isang bahagi niya ang tila kiniliti sa sinabi ni Imee. Subalit mabilis siyang umiling.  “Binigyan lang ng bulaklak, type agad?”

“Eh, anong malay mo, nabighani nga siya ng beauty mo?”

“Sus, tumigil ka nga dyan, Imee.” Kinuha niya rito ang ipad at tiningnan ang nakabalandrang larawan ni Adam.

“Shems! ‘Freaking rich!” komento ni Imee nang makita nila ang isang picture ni Adam na ang background ay ang Eiffel Tower sa France. Mayroon din itong larawan na ang background ang ay Central Park sa New York.

He was wearing a matching black trenchcoat and a pair of boots, a red scarf and a black rimmed glasses on that particular photo.

Natigilan siya ng makita ang sumunod na larawan ng lalaki. This time, he was only wearing a black trunks and a swimming cap in the picture.

Napalunok siya nang dumako ang paningin sa katawan nito.

“First place.” Basa ni Imee sa caption na nakakabit sa larawan.

Mula sa abs ng lalaki ay ibinaling niya ang tingin sa gold medal na nakasabit sa leeg nito.

“Oh, member pala siya ng swimming team.”

“Tama na nga iyan,” saway niya sa kaibigan. “Para naman tayong stalker nito, Imee.”

Pinagtaasan siya nito ng kilay. “Sus, kunwari pa ito. Gusto mo rin naman!”

Oo nga. Gusto mo rin, eh!

Hindi nila namalayang inabot na sila ng isang oras sa katitingin sa instagram ng lalaki. Bukod sa picture nito na may nakasukbit na medalya, puro mga lugar na napuntahan nito at mga sasakyan ang mga larawang nakapost sa account nito.

 Falling for Mr. Pa-fall (Published under PHR/Unedited Version) Where stories live. Discover now