Chapter Four

8.4K 214 18
                                    

SAVE by her growling stomach.

"Uhm..."

Hindi alam ni Christine kung ano ang sasabihin kay Adam nang mga sandaling iyon.

Humakbang siya paatras at mabilis na ibinaling ang tingin sa mga painting na naka-display sa sala niya. Isang bahagi niya ang nakahinga ng maluwag. Sa kabilang banda, hindi rin niya maitanggi na may isang maliit na bahagi sa kanya ang nakadama ng panghihinayang...

"You should eat first."

Dahan-dahan niyang ibinalik ang tingin kay Adam.

"Me and my lips can wait," pabirong sagot nito. "Eat first. Baka magalit iyong mga alaga mo sa tiyan."

Tila nananadyang muling tumunog ang tiyan niya.

"See?" Ngumuso ito na tila nagpipigil ng ngiti.

Hindi niya napigilan ang pamumula ng mukha sa kahihiyan.

Bago pa siya makasagot ay hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya patungo sa kusina. Nakaawang ang mga labi niya habang nakatingin sa magkadikit na kamay nila. Mabilis na binawi niya ang kamay mula rito nang maramdaman niya ang paggapang ng kuryente sa balat niya.

Tumikhim siya at unanahan ang lalaki sa kusina. Binuksan niya ang ref. Napangiwi siya nang makitang ubos na ang pizza na binili niya kagabi. Napilitan siyang kumuha ng cup noodles sa cupboard.

"Cup noodles?" Natigilan siya sa pagbubukas ng noodles nang marinig ang boses ni Adam.

Bumaling siya sa lalaki. "Gusto mo?"

Kumunot ang noo nito.

Noodles, really, Chris? Iyan ang iaalok mo kay Adam?

"Uh, sorry." She gave him an awkward smile. "Ano'ng gusto mong kainin? Magpapa-deliver ako."

Lumapit ito sa kanya. "Kung hindi mo ako kasama ngayon, iyan lang ang kakainin mo?"

"What's wrong with cup noodles?" nagtatakang sagot niya.

"It's unhealthy," kunot-noong sagot nito.

"Health concious ka pala," komento niya.

"I'm an athlete so I need to take care of my body."

Well, halata naman na maalaga ito sa katawan. Sa abs pa lang nito.

"Madalas kang kumakain ng noodles?"

"Kapag tinatamad akong magluto," sagot niya. "Hindi naman noodles lang ang kinakain ko," dugtong niya nang makitang lalong lumalim ang kunot nito sa noo. "Kadalasan, nagpapa-deliver ako ng pizza."

"That's still unhealthy." Pumalatak ito. "Kaya pala ang payat mo."

"Excuse me?" Umangat ang kilay niya.

"Your thin," wika nito habang pinapasadahan ng tingin ang katawan niya.

Namula ang mukha niya.

"I bet you'd be more attractive kung madadagdagan ka ng konting timbang."

Pagkatapos nitong sabihin iyon ay bumaling ito sa ref at binuksan iyon. Habang siya ay nakaawang ang mga labi at namumula pa rin ang magkabilang pisngi sa sinabi ng lalaki.

"A-anong ginagawa mo?" tanong niya rito nang makabawi. Inilabas nito mula sa ref ang karne ng manok at gulay.

"I'm cooking you something delicious and healthy." Dinala nito ang manok sa sink.

Muling umawang ang mga labi niya. "B-bakit?"

Tumingin ito sa kanya. "I can't stand seeing you eating that cup of unhealthy noodles."

 Falling for Mr. Pa-fall (Published under PHR/Unedited Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon