Chapter Nine

8.7K 182 2
                                    

HALOS pigilan ni Chris ang sariling paghinga habang nakatutok ang mga mata sa lumalangoy na nobyo.

    Iyon ang unang beses na makapanood siya ng swimming competition ng nobyo. Halos sumabog ang puso niya sa kaba habang sinusundan ng tingin ang nobyo. Subalit wala rin namang pagsidlan ng tuwa ang nararamdaman niya nang manalo ito.

Nakita niya kung paano nilapitan ng mga babae si Adam. Subalit wala ni isa sa mga iyon ang pinansin ng lalaki. Dumiretso ito sa kanya.

“Congrats, baby,” proud na pround na wika niya sa nobyo.

“You're my lucky charm, baby.” He planted a soft kiss on her forehead. “Baby... may mini celebration ang team mamaya, gusto mong sumama?”

Mag-i-sleep over si Imee sa condo niya ngayong gabi. “I'm really sorry, baby. Siguradong magtatampo kasi sa ‘kin iyon.”

“I understand, baby. If not for the team, I won't go.”

“Baby, baka naman dahil wala ako, tumingin ka na sa iba,” pabirong wika niya sa nobyo. “Naku, subukan mo lang!”

“Baby, paano ko pa magagawang tumingin sa iba, eh, nasa akin na ang pinakamagandang babae sa buong mundo.”

“Sus! Grabe ka, ha.” Bahagya niyang kinurot ang matigas na braso nito. “Magbihis ka na nga. Baka magkasakit ka pa.”

“AKALA ko ba dito ka matutulog?” tanong ni Chris kay Imee nang tawagan siya nito nang gabing iyon.

    “Sorry, Chris. Hindi pa kasi kami tapos ng mga kagrupo ko sa ginagawa naming thesis,” sagot nito mula sa kabilang linya. “Bukas na lang siguro ako pupunta diyan.”

    Nagbihis siya at nagpasyang sumunod sa nobyo sa mini celebration ng mga ito. Pagdating sa Timog ay saka pa lang niya tinawagan si Adam.

“Baby,” malambing na bati sa kanya ni Adam sa kabilang linya.

“Baby, nasaang bar kayo sa Timog?”

“Conspiracy bar, why?”

“Pupuntahan kita.” Hindi niya sinabing naroon na siya. She wanted to surprise him.

“Baby, listen... Huwag mo na akong puntahan dito.”

“Adam, may problema ba?” nag-aalalang tanong niya.

“Baby—”

Suddenly, the line was cut off.

Iginala niya ang tingin sa paligid. Nakahinga siya ng maluwag nang makita ang pamilyar na bulto ni Adam. Subalit tila may kutsilyong tumarak sa puso niya nang makitang may babaeng nakakapit sa batok ng nobyo. No, hindi lang basta nakakapit.

They were kissing.

Pain engulfed her as tears start to fall from her eyes.

Gusto niyang sugurin ang mga ito subalit sa halip na humakbang papalapit ay pumihit siya patalikod at nagmamadaling tinahak ang daan palabas.

Sa isang iglap ay nagkadurog-durog ang puso niya.

Ito ba? Iyon ba ang dahilan kung bakit ayaw siyang papuntahan ni Adam. Dahil may ginagawa itong milagro sa piling ng ibang babae.

He promised her he wouldn't dare look at other girl. But he did kiss another girl. And she saw it with her two eyes.

A hard object hit her head...and rendered her unconcious.

“ANO'NG nangyari, pare?” kunot-noong tanong ni Adam kay Matt.

“May away yata.”

Natigilan siya nang tumunog ang cell phone. Napatayo siya nang makita ang pangalan ng nobya sa screen.

 Falling for Mr. Pa-fall (Published under PHR/Unedited Version) Where stories live. Discover now