Chapter Six

8.7K 233 8
                                    

TODAY is the day.

Hindi maialis ni Chris ang mga mata kay Adam na kasalukuyang naghuhubad ng suot na t-shirt. Iyon na ang huling araw ng ‘session’ nila ng lalaki. At dahil iyon na ang huling araw nila, kailangan na niyang ipinta ang ibabang bahagi ng katawan ni Adam. Hindi na siya puwedeng umiwas.

“T-teka!” She immediately stopped him when he reached his fly. “May kukunin lang ako.” Nagmamadali siyang lumabas ng silid at dumiretso sa kuwarto niya para kumuha ng tuwalya.

She handed him the white towel. “Gamitin mo muna kapag hinubad mo iyong pantalon mo. Mamaya mo na alisin kapag nagsimula na tayo.”

Bago pa makasagot si Adam ay muli siyang lumabas ng workroom. This time ay dumiretso siya sa kusina para uminom ng malamig na tubig. “Calm down, Chris,” wika niya sa sarili habang idinadampi ang hawak na baso ng malamig na tubig sa kanyang namumulang pisngi. “Ano naman ngayon kung makikita mo ang lahat-lahat kay Adam? Nakita mo na iyon, di ba? Isa pa, you're an artist. You should behave as an artist. Be professional!”

Matapos niyang kalmahin ang sarili ay binalikan niya si Adam. “Go, Chris. Kaya mo iyan.” Isang beses pa siyang bumuntong-hininga bago buksan ang pinto ng workroom.

Subalit lahat ng pagpapakalmang ginawa niya sa sarili ay nabalewala nang makita niya si Adam. The only piece of clothing that's left on his body was the towel that she gave him. Napalunok siya nang humarap ito sa kanya.

“Ang tagal mo.” His cherry red lips were almost pouting. “Malapit na akong lamigin dito.” He crossed his arms over his chest. Kitang-kitang niya kung paano nag-flex ang muscle nito sa ginawa nitong paghalukipkip. Damn.

Pinigilan niya ang sariling paglakbayin ang mga mata sa katawan nito. “S-sorry. I'll turn off the AC.”

“Don't. Baka uminit naman.”

Right. Dahil kahit nakatodo ang aircon, pakiramdam niya ay napakainit ng paligid.

Kung ganitong katawan ba naman ang makikita mo, malamang kahit Antarctica ay mag-iinit.

“So, am I allowed to take off the towel now?”

Nanlaki ang mga mata niya nang hawakan nito ang buhol ng tuwalya. “T-teka! Pumuwesto ka muna bago mo tanggalin iyong tuwalya.” Hangga't maaari, iniiwasan niyang makita ang 'future' nito. Kahit pa sabihing nakita na niya iyon, hindi niya alam kung kakayanin niyang makita ulit iyon sa ikalawang pagkakataon. “K-kapag nagsimula tayo, huwag kang haharap, ah?”

He playfully cocked his brow. “Why do I have this feeling that you’re afraid to see my thing?”

“Nakakatakot naman talaga,” she blurted out.

“Bakit ka natatakot?” natatawang sagot nito. “Hindi ka naman tutuklawin nito.”

Her cheeks turned beet red. “Basta, huwag kang haharap—” Nabitin sa ere ang sinasabi niya nang malaglag sa sahig ang puting tuwalyang bumabalot sa ibabang bahagi ng katawan ni Adam.

Nalaglag sa sahig ang panga niya nang tumambad sa kanya ang matambok na puwit ng binata. His eyes couldn't help but linger at his lower sexy back, down to his firm buttocks all the way to his long muscular legs. Everything about his body was sexy and perfect. Damn hell.

“Chris, punasan mo iyong laway mo.”

Sa isang iglap ay bumalik siya sa katinuan.

“Oh, shut up, Adam—” Muling nanlaki ang mga mata niya nang gumalaw ito paharap sa kanya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. “Adam, sabi ko huwag kang haharap!”

Isang naaaliw na tawa ang isinagot nito sa kanya. “You can open your eyes now.”

Una niyang iminulat ang kanang mata. Tila nakahinga siya ng maluwag nang makitang nakatalikod na sa kanya ang lalaki. Doon na lang niya napansin na wala na ang tuwalya sa sahig. Nakapatong na iyon sa isang bakanteng stool malapit dito.

 Falling for Mr. Pa-fall (Published under PHR/Unedited Version) Where stories live. Discover now