Chapter Eight

8.7K 182 6
                                    

“WAIT, anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Chris.

They were at the NAIA Terminal 1.

“Did you bring your passport?”

“Yes—” Nanlaki ang mga mata niya. “Wait! Don’t tell me, lalabas tayo ng bansa?”

“Why do you think I ask you to bring your passport? We're going to Singapore.”

Muntik nang malaglag ang panga niya sa narinig. “Singapore?”

“Don't panic. Hindi naman kita itatanan.” He winked at her. “I'll make sure we get back before the day ends.” He grabbed her hand. “Come on, we have a flight to catch.”

Wala siyang nagawa kundi magpatianod kay Adam. “Teka, teka, ano’ng gagawin natin sa Singapore?”

“Magde-date.”

“Sa Singapore?”

“Yes, baby.”

Baby. Darn. Hanggang ngayon ay hindi mapigilang mamula ng pisngi niya sa tuwing ginagamit nito ang endearment na iyon sa kanya. That common endearment sounded extraordinary sweet coming from him.

“Teka—teka, Adam!” kinakabahang pigil niya sa lalaki nang sabihin nito sa driver ng taxi kung saan sila pupunta: Marina Bay Sands.

“A-akala ko ba uuwi rin tayo mamaya?”

“Oo nga.”

“Eh, bakit kailangan pa nating mag-hotel?”

“Do you trust me, baby?”

“Yes.” Hindi naman siya sasama kay Adam kung hindi niya pinagkakatiwalaan ang lalaki.

Pagdating nila sa hotel, sa halip na sa front desk ay sa elevator na sila tumuloy.

“Where are we really going, Adam?” hindi mapakaling tanong niya sa lalaki.

“Just wait and you'll see.” He smiled and winked at her.

    Dumiretso sila sa isang function room ng hotel kung saan…kung saan nagaganap ang art exhibit ni Janela Mazumi, isa sa pinakasikat na landscape painter sa buong Asya.

    “Surprise, baby,” malambing na bulong sa kanya ni Adam.

“Oh my God!” malakas na suminghap siya bago bumaling kay Adam. “Bakit hindi mo sinabi sa 'kin na ito pala ang pupuntahan natin?”

“Kung sinabi ko sa 'yo, eh, di hindi kita na-surprise.”

“But we’re underdressed, Adam.” Napatingin siya sa babaeng dumaan sa harap nila. She was wearing a red cocktail dress and a pair of black pumps. Nag-aalangang ibinaba niya ang mga mata sa pink long sleeve dress at wedge sandals na suot. She looked out of place.

“You may be a bit underdressed, but still you're the most beautiful girl here.”

Indeed, Adam was looking at her like she's the prettiest girl. And that made her feel confident.

“So, shall we?” inilahad nito ang kamay sa kanya.

Matamis ang ngiting iginanti niya sa binata kasabay ng pagtanggap sa kamay nito.

Halos lumuwa ang mga mata niya nang makita niya ang mga painting na naka-exhibit sa loob ng bulwagan. Muntik naman siyang mapatalon sa tuwa nang makaharap niya si Janela.

“Thank you so much, Adam,” buong pusong pasasalamat ni Chris kay Adam.

She was just expecting a dinner or a movie date on their first date. But Adam gave her the best date she could ever have in her life. Hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na iyon.

 Falling for Mr. Pa-fall (Published under PHR/Unedited Version) Where stories live. Discover now