Kabanata Apat - White and Black Lady

2K 32 4
                                    

Kabanata Apat – White and Black Lady

Ang unang naramdaman ni Emanuela nang magising siya ay ang kakaibang ginhawa sa kanyang katawan. Malambot ang hinihigaan niya katulad ng kama ni sa kanilang bahay. Sandali, nakauwi na ako?

“Gising na ang prinsesa,” may pangungutya sa tinig ni Daniel.

Nandito pa si Kamatayan kaya hindi pa ako nakauwi.

Ang buong nangyari kagabi ay agad na bumalik sa kanyang gunita. Nasapo niya ang kanyang ulo. Totoo ba ang lahat ng iyon? Muntik na ba siyang kainin ng isang halimaw? Nakalimutan kong halimaw din pala ang nasa may pintuan. Hindi pa rin siya makapaniwala na nangyari nga ang lahat ng iyon. Hindi sukat akalian niyang mararanasan niya ang ganitong karanasan. Isa lamang siya noong labingwalung taong gulang na babae na hindi na halos lumalabas sa kwarto nito ngunit heto siya at inilagay sa isang lugar kung saan napapalibutan siya ng maraming tao. Mga taong hindi niya alam kung tao ba talaga. Napapansin niya ang mga kakaibang ikinikilos nila. May mga pagkakataon na nahuhuli niya sina Daniel at Ricardo na bigla na lang may inaamoy na kung ang kanyang ilong ang tatanungin, wala namang hindi normal. Hindi kaya…

Pasimple niyang inamoy ang sarili. Nalukot ang kanyang ilong. It was her. Siya ang inaamoy nila sapagkat amoy pinagsamang dumi at pawis siya.  “Saan ako? “tanong na lamang niya upang aliwin ang sarili sa sobrang kahihiyan. Dalawang binata ang sa kanya ay nakalapit ng husto gayong hindi niya masikmura ang kanyang amoy. Gusto niyang masuka ngunit walang laman at kanyang tiyan. Hindi naman siya gutom. Masyado lang siyang naapektuhan sa mga nangyayari sa kanya sa mahigit dalawampu’t-apat na oras. Sobra-sobra na iyon para sa kanyang hindi alam kung paano makiharap sa isang tao lalong – lalo na sa…

Umiling siya. Wala siyang panahon upang kilatisin ang angkin nilang mga kakisigan.

Naging dominate ang kulay itim sa buong silid. Mangilan-ngilan lamang ang mga kagamitan. May bookshelves sa sulok na kinalalagyan ng napakaraming aklat tungkol sa medisina, pulitika, at kung ano-ano pang babasahin. Mayroon ding lalagyan ng mga damit at ang lahat ay nasa ayos. Siguro, ang kasambahay nito ang naglilinis sa kwarto o pwede ring siya dahil siya ay isang bihag ng lalaki. Maaari pa niyang mapahintulutan ang lalaking gawin siyang katulong sa kastilyo nito pero huwag lang siya nitong ibenta. Paano kung gahasain siya ng bago niyang amo?

“Sa kwarto ko.”

Sa kwarto niya? Awtomatikong muling uminit ang kanyang mukha. Nandito siya sa kwarto ng isang estrangherong lalaki? Inilagay niya sa kanyang kandungan ang mga kamay at pinagdikit-dikit iyon. Hindi ito nangyayari. Hindi ito nangyayari.

Sandali. May nangyari ba nang tulog siya?

Tiningnan niya ang kanyang damit at napahinga nang maluwag nang makitang parehas pa rin ang kanyang isinuot. Kagaya pa rin ng damit na isinuot niya nang umalis siya sa kanilang bahay. Paulit-ulit na sinasabi ng kanyang Daddy na huwag agad maniwala sa mga lalaki sapagkat may iilan sa kanila ay pagsasamantalan lamang ang kanyang kahinaan. At nangyayari na iyon ngayon. Isang buhay na patunay si Daniel. Pinagsasamantalahan nito ang kanyang kahinaan. Tinatakot pa siya na papatayin at isama pa ang mga halimaw na anino.

Nawala na ang dumi niya sa kanyang mga katawan? “S-sino ang naglinis sa akin?” Huwag mong sabihing ikaw. Huwag mong sabihing ikaw. Ang pagkapahiya ng dalawang beses sa isang araw ay sobra-sobra na.  Mamamatay siya sa hiya kapag sinabi nitong ang lalaki mismo ang naglinis sa kanya.

“Walang akong panahon upang mag-aksaya ng oras. Ang ibang babae na nakatira rito. Sila ang naglinis sa iyo.” Napahinga siya ng maluwag. “Aalis tayo. Palitan mo ang damit mo.”

May inihagis si Daniel sa kanyang paanan at mas lalong uminit ang kanyang pisngi. Pangatlong beses…

Siguro kasing pula na ng lantang kamatis ang mukha niya. Isang pantalon at kulay dalanghita na blouse at…at bra at panty na ternong pula. Ni minsan ay hindi niya hinayaang makita ng mga lalaki ang undergarments niya at…

Claiming Emanuela Velasco (Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon