Kabanata Pito - Paghihintay

1.2K 26 0
                                    

 Kabanata Pito -  Paghihintay

MATAMANG pinagmasdan ni Daniel ang kanyang kama na kasalukuyang inuukupa ni Emanuela.

“Did you regret it?” walang anu-ano’y wika ni Ricardo. Sila lamang ang pinahintulutan niyang pumasok sa kanyang kwarto. Nangingitim ang paligid ng mga mata nito. Hindi niya alam kung dahil lang ba iyon sa sinapit ni Emanuela o may iba pang bagay na nagpapagulo sa isipan nito. His face was not even shaved.

“No,” tipid niyang wika.

“You’re more lucky than me.”

He huffed an air o annoyance. “Bakit naman? Kung ikukumpara tayong dalawa, ako ang may pinakamalaking problema.” Nangunguna na doon ang mga Barbak. May inatasan na siyang magpatrolya sa bawat sulok ng kastilyo maging sa kalapit pa nilang teritoryo.

Marahang bumuntunghininga si Ricardo. Hindi na niya mabilang kung ilang ulit iyong ginawa ng kapatid. He wanted to punch him. He was emitting a dark aura because of his mood. At mas lalo iyong nagpalala sa mood niya. “Kung sasabihin mo kay Emanuela ang lahat, matatanggap ka pa niya. Ako?” may pait sa boses nitong wika. “Hindi niya ako kailanman matatanggap.”

He already met his other half? “Dalawa na tayong miserable ang buhay.” His eyes darted to the sleeping woman. Now and then, he would check her if she was still breathing. Tahimik pa rin ang halimaw.

“Dalawang araw na siyang hindi nagigising. Tao pa rin siya at kailangan ng kanyang katawan ang pagkain. What if she dies?”

Naikuyom niya ang kanyang kamao. Ang sabi ng doktor, ayaw nitong magising. Naghilom na rin ang sugat nito sa noo. Kung mamamatay ang babae, mamamatay din siya. This is the downside of finding your other half. He blamed the woman for provoking him. He lost his control at that time. A fragile woman against a beast. She was no match against him.

 “Humanap ka ng paraan upang gustuhin pa niyang magising, Daniel.” Isa lang naman ang gusto ng babae. Iyon ay pakawalan ang dalawang lalaking bihag sa ibaba. Kaya ba niyang gawin iyon? They were the most territorial species of all kind. At hindi rin siya basta-basta nagpapalabas ng kanyang mga bihag. “Kumikilos ang oras. Desisyon mo na lamang ang hinihintay. Ano ba ang sinasabi ng halimaw?”

“Wala. He’s still inside me but he won’t utter a single word. I think his heart was broken,” mapakla niyang wika.

‘Ipapangako kong pagisisihan mo ang gagawin mo iyon.’

Nasabunutan niya ang buhok. She…won. Nakakaramdam na siya ng pagsisisi. Naaapektuhan din siya sa panghihina nito. All his muscles were weary.

“Leave us and lock the door.”

Tumayo si Ricardo. “Sana hindi mo siya patayin.” Tinapik nito ang kanyang balikat bago tuluyang umalis.

Maingat siyang lumakad at inukupa ang bakanteng silya sa tabi ng kama. The usual glow of her skin was fading. Namumutla na ito. What had I done? Kinuha niya ang maliit nitong kamay at inilapit sa kanyang labi. Marahan niya itong hinalikan.

It was the first contact that he initiated. That no one between them was hurt. Napakalambot ng balat nito. Parang druga ang kakaibang amoy na nanggagaling mula rito. He wondered. What would be her reaction if she saw him kissing her hand? Would she flush? Or get angry? How he wished she entered when his problems were over.  Kung saan tapos na ang kanyang paghihigante. Kung ganoon sana ang nangyari, hindi niya hahayaang mauwi sa ganito ang lahat. Sisiguraduhin niyang maibibigay kay Emanuela ang lahat ng luho na kinahuhumalingan ng mga babae. He would provide anything she wished and wanted.

Claiming Emanuela Velasco (Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon