Kabanata Lima - Barbak on the Way!

1.6K 27 1
                                    

Kabanata Lima – Barbak on the Way!

 

“ANONG gagawin natin?” hindi na mapigilang magtanong ni Emanuela kay Daniel. Ilang oras na ang nakakalipas ngunit wala pa ring naisip na plano ang lalaki. Hindi na bumalik pa si Dovee, ngunit patuloy pa rin sa kanyang ginagawa si Kikuyo. Ni minsan hindi niya nakitang nagpahinga ang babae. Para bang kung titigil muna ito ng kaunti, mamamatay ito. Hindi siguro nito alam ang salitang kapaguran. May mga pagkakataon na mahuhuli niya ang babaeng magsasalubong ang kilay. May mga pagkakataon din na mapapangiti. Kanino kayang hinaharap o nakaraan ang nakikita ni Kikuyo? Sa kanya ba o kay Daniel?

Ngayon, parang normal na sa kanya ang mga dagdag na kaalam tungkol sa mga nilalang na ni sa panaginip ay hindi niya aakalaing mabubuhay. Nicomedu. Barbak. Ano pa ba ang mga dapat niyang malaman? Na tunay ang bampira? Makakaya kaya niya ang mga iyon?

“Maghihintay na muna tayo. Kilala ang mga Barbak sa pagiging mainipin. At siguradong naiinip na sila ngayon kung kailan tayo lalabas,” tugon ni Daniel.

“Iyan ang plano mo?” hindi makapaniwala niyang wika. “Paano kung salakayin na lang nila ang kastilyo dahil nainip sila?” Kahit na masama ang trato sa kanya ng mga tao doon hindi pa rin niya kayang may mamamatay. Her eyes widened when she saw that Daniels nails were replaced by claws. It was so sharp that it could easily slit her throat. Napahawak siya sa lalamunan. Ano na naman ba ang iniisip ng lalaki at bumabalik na naman ito sa pagiging asal hayop?

Droplets of blood stained the cleaned floor. Blood from Daniel’s own arms. There were flicker of gold on his eyes. “I-isa kang…lobo?” nanginginig ang boses niyang tanong sa lalaki.

He stepped forward and she withdrew.

“Ako ang pinuno ng Lorentz Clan, isang lahi na nagtataglay ng mga katangian ng isang lobo. At naaamoy ko ang iyong takot,” tila nababaliw nitong wika. There was a trail of blood on his path and she nearly fainted. She cannot stand the sight of blood.

“Relax, Emanuela. Relax,” paulit-ulit niyang wika sa sarili. “Lord, tulungan Niyo po ako. May hahanapin pa akong dalawang tao.”

“Halaka…” wika ni Kikuyo. Sumilay sa maitim na labi nito ang isang tipid na ngiti. “Ginalit ni Emanuela ang mabangis na lobo…”

You are not helping me, Kikuyo.” Daniel was eyeing her every move and was just searching for the right time to leapt or kill? “I-iyong mga lobo sa gubat, kayo ba iyon?”

“Sila ang mga espiritu ng lobo na pumapasok sa amin.”

It was different from the werevolf novels that she had read. “S-saan sila naninirahan?”

“Sa mga gubat.”

Lumingon si Emanuela sa kanyang likuran. Ilang dipa na lamang at malapit na nilang marating ang swimming pool. Hindi siya dapat makalapit sa tubig. Hindi siya marunong lumangoy. “A-at nasa katawan mo ba ang lobo…ngayon?”

“Wala pa. Pero nararamdaman ko ang kanyang pagdating. Kaya bago pa siya makapasok sa akin…tata-“

Daniel suddenly fall on his knees and howled as if in pain. He breathed heavily. Beads of sweats was on his forehead and he was shaking very badly. She even considered helping him but halted. Itinaas ng lalaki ang matatalim nitong kuko at pilit siyang inaabot.

“Kaawa-awang Supremo. Hindi hahayaan ng halimaw na may makapanakit sa meñuza nito,” wika ni Dovee sa kanila sa hangin.

Nandiyan na naman ang salitang iyan. Meñuza. “Meñuza? Anong ibig sabihin niyan?”

“Mahal kong Emanuela, wala kang pera kaya hindi ko masasagot ang tanong mo.”

 

HULI NA ang lahat. Nakapasok na ang halimaw sa katawan ni Daniel. Hindi na niya magagawang saktan ang babae. Malapit na sana. Hindi niya gustong marinig na may mangyaring masama sa mga tauhan niya. Sila ang mga  bago niyang pamilya pagkatapos mamatay ang kanilang mga magulang dahil sa mga Barbak. Araw-araw siyang nag-iisip kong paano niya mahuhuli ang hari ng mga Barbak upang ipaghigante ang kanilang mga magulang.

Claiming Emanuela Velasco (Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon