Kabanata Labing - Anim - Getting to Know Each Other

1.3K 24 1
                                    

Kabanata Labing – Anim – Getting to Know Each Other

HALOS mamatay na sina Emanuela sa pag-aalala. Hindi. Siya lang pala. Siya lang itong matiyagang naghihintay sa paggaling ni Daniel. Nang araw na dumating ang dalawang Degras, napilit niya rin sa wakas ang lobo na bumalik sa katawan ni Daniel upang matulungan itong gumaling.  Sa kabila noon, patuloy niya pa ring pinapainom ng tubig ang lalaki sa paraan na hindi niya gusto.

Gusto na lang niyang mamatay sa kahihiyan habang pinapanood siya ng dalawang lalaki sa ginagawa niyang pagpapainom. Kung hindi lang niya kinausap ang dalawa na manahimik, tiyak na kantiyaw ang maririnig niya sa nakangising si Alvin.

“Huwag kang masyadong mag-expect na maganda ang resulta. Maliit pa rin ang porsiyento niyang mabuhay.”

Pinaalis na nga niya si Field, may pumalit naman sa posisyon nito – si Az. “I understand that you are very much concerned about his condition. Thank you very much. Sabihin niyo nga kung ako lang ba ang nag-aalala sa kanya ngayon? Tao lang ba ang nakakaramdam ng awa?”

“Simple lang. Unti-unti mong ina-acknowledge ang koneksyon ninyong dalawa.”

Napasinghap si Emanuela. “No way!” Hindi porke’t naging mabait na siya sa lalaki, tinatanggap na niya ito. “Hindi totoo iyan.”

Umiling si Alvin. “Iyan ang totoo, Boss Em. Ito kasing si Az, ninety percent ng sinasabi niya ay totoo. Ito langa ang maipapayo ko. Pigilan mo ang sariling magkagusto sa asong iyan,” nguso nito sa nakahigang si Daniel.

Nag-iwas ng tingin si Emanuela. “Hindi ko siya gusto.”

“Teka. Makinig kayo sa bulong ng babae.”

“Anong sabi ni Dovee, Alvin? Na totoo ang sinabi ko, ano?”

“Ang sabi ng bulong, iyan daw ang tinatawag na in denial.”

ANG NAG-AALALANG mukha ni Emanuela ang unang nabungaran ni Daniel nang siya’y magising.

Kumukurap-kurap siya. Tinatantiya niya kung totoo o hindi ang nakikita niya sa babae. He didn’t deserved the worried look that she was giving him. Napakarami na niyang kamaliang ginawa sa babae.

“Gising na siya,” bulong nito.

“Akala namin hindi na siya magigising. Sayang naman.”

“Az!” nanlaki ang mga mata nitong saway. “Huwag kang magsalita ng ganyan. Hindi iyan maganda.”

“Kasalanan na ba ngayong ipaalam kung ano ang nararamdaman mo? Freedom of speech, Emanuela. Mayroon niyan sa mundo ninyo.”

“Oo pero wala tayo sa mundo ng mga tao. Nasa Hancia tayo. That freedom is not applicable here. Hayaan na muna ninyo akong makipag-usap sa kanya.” She will be a good queen. Bumalik ang atensyon nito sa kanya.

Noon lang niya napagtantong nasa kakahuyan pa rin sila. Hindi siya namatay. Hinanap niya ang anumang galos o sugat sa katawan ni Emanuela at wala siyang nakita. Salamat sa Dios.

Bumangon siya at napaungol. Masakit ang balikat kung saan siya kinagat ng Barbak. Bastard.

He’s body was healing. “Ilang araw akong nakatulog?” Sumandal siya sa katawan ng puno.

“Pitong araw.”

Ganoon katagal. Sapat na panahon upang makatakas ang tatlo sa kanya ngunit hindi nila ginawa. Bakit?

Dumapo ang mga tingin niya sa dalawang ibon. “Bakit sila nandito?” puno ng disgusto niyang tanong.

Kumunot ang noo ni Emanuela.

Claiming Emanuela Velasco (Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon