Kabanata 10

242K 8.3K 1.7K
                                    

Kabanata 10

"HOW is she?" I whispered. Lumayo ako sa set at tumabi sa may gilid para makausap ang nurse.

"Ayos naman po, Ma'am, pero kadalasan po hinahanap kayo," aniya.

I sighed. Hinilot ko ang sentido ko at napailing.

"Anong sinasabi mo sa kanya?"

"Ang sabi ko po nasa shooting kayo, Ma'am. Umiiyak nga po madalas, gusto po siguro kayo makita."

My heart flinched. Napahawak ako sa dibdib ko at naisip ang itsura ng Momny ko sa sinabi niya.

"T-tell her I'll be back soon," nagpipigil na luha kong sabi, marahang napapikit at suminghap.

My Mom was paralyzed and was left alone with my stepfather, parang nagsisi tuloy akong tinanggap ko ang misyon na ito.

"Sige po, Ma'am."

"Is he visiting her?" tanong ko.

"Si Sir po?" tukoy niya sa stepfather ko. "Hindi, Ma'am. Madalas po ay wala sa bahay at hindi po nagsabi kung saan pumupunta."

Bumalik ako ng hotel na hindi nagsasabi sa mga staff. I just texted Jana about my disappearance. Nanghina na rin kasi ako nang marinig ang sinabi niya tungkol sa Mommy ko.

I was twelve when the yacht we've been sailing sunk. Kahit maliit pa ako, I can still remember it clearly, on how I strived hard to live, kung gaano ko sinubukang iligtas ang pamilya ko.

Papunta sana kami noon sa isang isla para mamasayal kasama ang mga magulang ko, I requested that. Me, together with my Mom and Dad. We're really happy that time. Kasi sa kabila ng schedule nila ay nagkaroon kami ng oras para mag-bonding.

As a twelve-year-old kid, ang gusto ko lang ay ang makasama ang mga magulang ko.

Hindi ko alam kung paano nangyari, hindi ko na rin masayadong maalala. Ang alam ko lang ay sa isang iglap ay nagkagulo na ang mga tao, nag-umpisa nang lumubog ang yate at nagsitalunan kami.

My Dad tried so hard to save us pero dahil sa alon ay nahiwalay kami ni Mommy. Like my Mom, I can't swim too, kaya magkayakap kami habang lumuluha at sinusubukang maghanap ng makakapitan.

Nahiwalay na rin kami sa karamihan ng passenger ng yate, hindi ko na rin nakita ang Daddy ko. I remembered how a large wave ate us, nabitawan ko si Mommy at lumubog ako.

I was struggling hard, hindi ako makahinga. Ang dinarasal ko lang noon ay ang mabuhay at makasama ang mga magulang ko. Sana, sana hindi na lang ako nag-ayang mamasayal. Sana ay nag-stay na lang kami sa bahay, sana ay hindi kami nagkaganito.

I lost consciousness, I thought that was the end of my life, but I woke up in a hospital, full of bruise. Kaagad kong hinanap ang mga magulang ko, my mother was in coma that time, head injury. Tumama ang ulo niya sa bato dahil sa alon, my dad, Alejandro, well, he...he didn't make it. He's gone.

Napapikit ako at hinawi ang luha ko.

I don't know what happened, hindi siya nailigtas ng rescuers, hindi na rin nakita ang katawan niya na mas ikinalungkot ko.

Half of the passengers died in drowning while me and my Mom were lucky enough to live. Isang buwan matapos ang aksidente ay may pumunta sa ospital, Antonio raw ang pangalan niya, ang sabi niya sa akin ay kaibigan daw siya ng mga magulang ko.

My Mom, Carmina, was still in coma, walang nag-asikaso sa negosyo nila ni Daddy kaya lumubog ito sa utang. Hindi ko alam ang gagawin ko, I was just a child back then. Wala akong nagawa kung hindi ang magdasal at umiyak.

A Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon