Kabanata 19

207K 7.7K 1.8K
                                    

Kabanata 19

"WIFE?" nagtatakang tanong ko. Ibinaba niya ang telepono at nilingon ako.

"Let's go," aniya. Nanatili akong nakatitig sa kanya, hindi makuha ang sinabi niya.

"Anong wife?" takang tanong ko. Hindi siya sumagot, I saw how his jaw tightened. Sa paglingon ko ay nakita ko ang malamig niyang mga mata.

"Nothing," he answered me pero hindi ko siya makuha.

"Pero kasasabi mo lang." Mariing pumikit siya at nabakas ko ang sakit sa mukha niya kaya napaayos ako ng tayo.

His wound!

"Sorry, uh..." I bit my lip. "Let's go," mahinang sabi ko.

Walang imik ko siyang inalalayan habang naglalakad. I was being cautious, lumilingon ako sa paligid at nagmamasid kung may kalaban.

"The CCTVs," mahinang sabi ko.

"That will be deleted by now," aniya sa akin. Nag-angat ako ng tingin at kumalabog ang dibdib ko nang makitang nakasulyap siya sa akin.

"Ah..." I nodded at nag-iwas ng tingin. My heart's beating so freaking fast!

It's been three years since we got this close! I can't help myself from feeling this way!

"Hanapin niyo sila!" That made us stop.

"Shit!" Zeij's hard voice was what I've heard. Kaagad akong napalingon sa kanya at nakitang salubong na ang kilay niya.

"Faster," he said. I nodded. Sumulyap siya sa paligid at ibinaba ang kamay niya sa balikat ko.

Umayos siya ng tayo na parang walang sugat sa kamay niya at nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinila ako paalis doon.

"Zeij! 'Yong sugat..."

"Let's go," he gritted his teeth. Nang makarinig kami ng yapak ay napamura ako.

We tucked and hide. Kaagad na hinawakan ni Zeijan ang baywang ko nang magtago kami sa kotse at nakita kong sumisilip siya roon.

"Do you have a gun?" he asked. Napatingin ako sa baril na hawak ko mula roon sa lalaki kanina at tumango.

"Oo pero..." I checked the gun and found out I only have one bullet left. "Isa na lang 'yong bala," I whispered.

"Damn..." Nang may dadaan ay kaagad kaming naupo sa gilid ng kotse para magtago.

"Nasaan ba ang kotse mo?" tanong ko sa kanya. Sumulyap ako sa braso niya at nakagat ko ang labi ko nang makita ang bakas ng dugo roon.

"Left side, pinakadulo," sagot niya sa akin. Napaisip ako.

Looking at it, from our place, we won't be able to run from here to there without being caught. The parking is so wide at talagang mahuhuli kami.

"How about we run a bit faster to get there?" bulong ko.

"That's impossible," sagot niya. Nakita kong kinakalikot niya ang relo niya.

"How can we get there, then?" I asked. "How about you run first tapos I will cover you" I suggested.

Nakita ko ang pagsasalubong ng kilay niya. He looked at me like I was the weirdest person ever!

"No," mariin niyang sabi. "Why would I run before you?"

"Because you're injured!" I hissed.

"Wala pa 'to sa bituka ko," aniya. Napakamot ako ng ulo sa frustration at hinarap siya. "Eh, paano tayo aalis?" bago pa man ako makasagot ay may nagsalita kung saan.

A Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon