Kabanata 26

261K 9.4K 5.4K
                                    

Kabanata 26

"REPORT this immediately to the President," ani Dad habang tulak ang wheelchair ni Mommy.

"Yes, Sir," ani Axel.

"Inform me of the number of casualties and send that asshole earlier in jail," sabi niya. He was referring to Brad, kahit may tama siya ay buhay pa rin iyon.

Uuwi na kami ngayon, it was a long day, indeed. Malalim na ang gabi at nakakapagod.

"Alicia, anak, saan niyo gusto tumuloy?" ani Dad kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya.

"Po?" I asked.

"Where do you wanna stay for now? Doon ba tayo sa unit niyo ng Mommy mo o sa bahay ko?" napaisip ako pero nang maalala ang nangyari sa unit namin ay umiling ako.

"Your house is fine, Dad," sagot ko. "I wanna see where you're living." Ngiti ko.

"Alright..." he smiled sweetly at maya-maya'y nakita kong tumungo siya para silipin ang Mommy.

"Hon, we'll stay at our house, 'kay? So, I can keep you both safe." Kausap ni Daddy at hinaplos ang mukha ni Mommy.

My Mom groaned and I saw a small smile on her face kaya napangiti ako nang matamis.

Nang sumulyap ako sa asawa ko ay nakita kong nakaupo siya roon sa may silya at nakatitig sa akin. I smiled at him, ngumiti siya pabalik at itinaas ang bote ng tubig na iniinuman niya.

"Uh, Dad?" I called my father's attention.

"Yes, nak?" nag-angat siya ng tingin.

"Uh, may pupuntahan lang po ako saglit." Mahinang sagot ko. He nodded and smiled kaya naglakad ako palapit kay Zeij na kaagad tumayo para paupuin ako sa upuan niya.

"No, ikaw na lang ang umupo." I told him. Umiling naman siya sa akin at inabot ang daliri ko.

"Rest, baby. I know you're tired," aniya sa akin. He motioned me to sit at nang maupo ako roon ay kaagad siyang dumukwang sa harapan ko at inabot sa akin ang mineral water.

"Thank you..." I drank the water and gave it back to him.

"Maayos ang pakiramdam mo?" tanong niya. I nodded. I saw a small wound on his forehead kaya inabot ko iyon at nakita ko ang pagpiksi niya.

"Gamutin natin..." I told him.

"Hmm, pero walang alcohol, huh?" I chuckled.

Ngumisi naman siya at inabot ang daliri ko para halikan ang likod ng palad ko.

"Okay," sagot ko, I caressed his cheek, nanatili naman siyang nakatitig sa akin habang nakadukwang doon.

"Pagod ka na? You wanna sit here?" He shook his head.

"Kapag uupo ako r'yan, gusto ko sa lap kita," aniya. Natawa ako. He looked like a kid sitting there habang nakatingala sa akin.

Malambing ang mga mata niya at may ngiti na nakaguhit sa labi niya.

"Sige, I wanna sit on your lap too," I played along. That made him smile even more, akmang tatayo na siya nang makarinig kami ng boses.

"What's the matter here?" Dad's voice filled my ear.

My eyes widened. Nanlaki rin ang mata ni Zeijan at napabalikwas ng tayo, muntik pa siyang matapilok kaya napasinghap ako.

"Sir!" Zeijan laughed awkwardly. Napatayo rin ako roon at nakita ang seryosong mukha ng Daddy ko.

"Anong meron dito?" he asked. Sumulyap siya sa akin at maya-maya'y pabalik kay Zeijan na napapalunok sa tabi ko.

"Uh, ano..." Zeijan cleared his throat. "Uhm, Sir, I want to introduce myself—"

A Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon