Chapter 1

165 8 5
                                    

Kakarating ko lang sa bahay galing sa part time job ko sa talyer. Dise-otso palang ako, fourth year highschool pero nag-tatrabaho na, nagkadeleche-leche kasi yung buhay ko nung biglang nawala yung gago kong tatay.






Saan siya? aba ewan, huling dinig ko sakanya sabi niya mamamalengke lang siya para hapunan, eh anim na buwan na di parin bumabalik? gago sa ibang planeta ata siya namalengke?






Pagpasok ko sa bahay, tumunog agad yung tiyan ko. Napakamot nalang ako sa ulo—di nga pala ako kumain buong araw.






"Walang pagkain?" tanong ko sa sarili kong tuliro





"Vans?! Asan kabang bata ka, bakit wala pang pagkain?!" tawag ko sa nakababata kong kapatid






Walang sumagot. Binuksan ko ang ref, dalawang pitser ng tubig, isang puting tupperware na sibuyas at uling na deodorizer lang naman ang laman.





"Wala na tayong pagkain, inubos niyo yung kalahating kilo ng baboy kagabi nung nag-inuman kayo nila Felix.... para sa pulutan" mahinang sabi niya na basang-basa ang suot niyang basketball jersey at maong na shorts na obviously kakatapos lang maglaba





"Wala nading sabon panlaba" banggit niya at pumasok sa kaniyang kwarto.



Wala akong maisagot at napatulala nalang.









Matapos ang eksaktong limang segundo, dali-dali akong pumunta sa harap ng kwarto ni Vans. Huminga ako ng malalim






"Alam kong gutom ka at alam mong gutom din ako, kaso sa susunod na linggo pa kase sweldo ko. ayaw pa natin mamatay diba? gusto mo pa ako grumaduate diba? so may plano ako bro, eto bro ha.. so plano ko, subukan mo kaya ulit mangu-" hindi ko napatuloy ang pagbabakasakaling utusan si Vans nang bigla niyang buksan ang pinto






"May utang pa tayong tatlong lata ng cornbeef, anim na pancit canton, isang dosenang itlog, at limang kilong bigas" sabi niya





"Eh kina Aleng Nen-"





"Di na sila nagpapautang sa atin yun nung di tayo ng bayad nang isang buwan"



"Ha? A-ah Oo nga pa-la" pagkautal kong sinabi at yumango lang din naman siya. Tumungo nalang ako pababa at tumalikod






"Bumili ako ng dalawang galon ng tubig at slice bread kanina"





Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya na may mukhang di makapaniwala



"May inayos akong washing machine, kaya naka dalawang daan ako" pamumutol na naman niya sa kadramahan ko. Napatawa nalang ako at tinapik ang kanyang kaliwang balikat.






"Di kana mamamatay ha, wag kanang magdrama jan" sabi nya sabay sirado niya ng pinto.






Napahawak ako sa batok at pumunta ng kusina habang naka-ngisi.












Nang matapos kong busugin ang aking sikmura sa dalawang piraso ng slice bread, tumayo ako para hugasan ang baso kong ginamit, nag ring yung cellphone ko. Kumunot yung noo ko nung nakita kung sino ang tumatawag.






You Found A MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon