Chapter 10

14 1 0
                                    

"It was nice meeting you all again" bati ni Jeremy, "Seym here" english na sagot ni Jonas at ibang level talaga confidence niya. "So see you guys this Friday?" tanong ni Jeremy na nagpalito samin



"We still need to take care of your papers and other stuff right?" recall niya, nag 'ahhh' lang din kami tsaka nag tawanan. "Sige Jeremy, ingat ka pauwi" sabi ko sakanya



"Thanks bro, have a good night" sabi niya sabay tapik sa aking braso. Sumakay na siya sa kaniyang sasakyan at di nagtagal ay lumarga na.




Bigla din lang kami tumahimik. "Mas lalong pumogi si Jeremy noh" banggit ni Jonas, "Mas lalo ding sumarap buhay niya" dagdag din ni Rody, "Pogi pa, mayaman pa, binigyan pa tayo ng trabaho" sabi pa ni Sandro



"Speaking of trabaho, lahat tayo game sa sabado ha! pati ikaw Victor" tugon ni Felix, "Ha? Ah-ahh oo naman"



Kumunot yung noo ni Sandro "Bat parang di ka sure?" kinamot ko yung ulo ko, "May isang linggo pa ako sa talyer eh"



"Pucha wag kana dun, ang baba ng sweldo tas ang sungit pa ng boss mo" daing ni Jonas



"Uy Vans!" turo ni Jonas sa taong palapit sa aming direksyon. "San ka galing?" mahina kong tanong sa kanya, "May inayos akong aircon" mahina din niyang sagot. 



Nagtitigan lang kaming lahat tila ba wala ng mapagusapan, "Sige uwi na kami, kumukulo na tiyan ko" basag ni Felix sa katahimikan.



"Sa sabado ha!" tumango lang ako at tuluyan ng pumasok sa loob.





Nakita ko ka agad si Vans na nag aayos para sa hapunan as expected, kahit alas diyes na ng gabi, tinuruan kami ni nanay na dapat magkasabay kumain kahit anong oras pa yan basta sabay. "Ako na jan" kinuha ko ang hawak hawak niyang tamarong.



Nagsalubong ang kaniyang mga kilay, sabagay kung may makita man akong taong nag-alok tumulong once in a blue moon lang talaga gumagawa ng gawaing bahay. Di naman sa tamad ako pero di talaga ako house person kung may salita mang ganun, lagi akong wala sa bahay kaya si Vans in charge dito.



"Napadaan sila Felix kanina?" tanong niya habang inaayos ang kagamitan niya sa pag-aayos ng kung ano-ano sa may sofa, "Naghahanap ng pagkatuwaan" binuksan ko ang kalan at pinainit ang kawali, "Dumalaw si Jeremy kanina" dagdag ko habang unti-unting nilalagyan ang kawali ng mantika



Napatigil siya sa ginagawa niya, "Yung mestizo na anak mayaman?" pota yan na talaga pagkakilala ng lahat kay Jeremy, "Oo, walang nagbago sa mukha niya eh yung makikilala mo kaagad siya pero grabe yung pormahan niya ngayon parang bida lang sa pelikula" tango-tango lang naman siya

You Found A MatchWhere stories live. Discover now