Chapter 2

102 7 3
                                    

Tumurbo ako nang mabilis hangga't sa aking makakaya, ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko, at konting hilo. Gago, di ko namalayang natamaan na pala ako sa iniinom ko kanina kung hindi ako tumayo. Parang di na ako makakaabot sa bahay namin neto.



Nang nakarating na ako, binuksan ko ang gate habang hinahabol ang aking hininga, biglang tumunog yung cellphone ko



"3 unread messages from Unknown Number"



"Low Battery: 5% remaining" 



"Shit"



Nang bubuksan ko na yung inbox, may narinig akong nabasag sa loob kaya't binulsa ko ang cellphone ko.





Binuksan ko ang pintuan, una kong nakita ang dalawang karton ng de lata at tatlong tray ng itlog sa lamesa, at bumungad ang pigura ng taong hinding-hindi ko gagalaking makita



"San ka galing?"



Yumuko lang ako at hindi sumagot



"Kung hindi mo rin naman gagamitin 'yang bibig mo ibenta mo na, pang ambag mo man lang sa pamilyang 'to" insulto niya habang nagwawalis sa basong nabasag



Sumagot ako ng sarkastikong tawa, at hindi maaaring hindi niya narinig yun. Dahan-dahan siyang lumalapit sa'kin, nang kwenelyohan na niya ako, saktong dumating si Vans. 



Binitawan niya ako at bumalik sa lamesa.



Nagkatinginan kaming tatlo



"Tatayo lang ba kayo jan? di kayo nagugutom?"

You Found A MatchWhere stories live. Discover now