Chapter 7

42 2 3
                                    

"May gulo na naman yata" sabi ko sa kambal ng makarating na kami sa groundfloor. May nag sisigawan sa may entrance ng girl's cr kung nasan ang bell. "Di na ako magugulat" sagot ni Andrew. Lumapit kami sa kumpol ng mga estudyante para makiusisa sa nangyayari. 



Nakikita ko ang isang bakla na nasa gitna na nagpapaliwanag sa sarili "I swear po mam! di po ako nag pindot!" sabi niya sa guro na nasa pagitan nila ng isa pang baklang estudyante. "Eh kitang kita ng dalawang mata ko yung ginawa mo!" 



"Hoy bruhilda, na may mukhang blobfish na nasagasaan sa kalsada! maka akusa ka dyan eh wala ka namang ebidensya?!"



Naghiyawan naman ang lahat sa mala-fliptop na sagot ng bakla. "Barss bro barss!" tawang sigaw ni Axel sa kanila, "Besh wag ka patalo, rebat na!" dagdag pa ni Andrew.



Bakit hindi talaga mawawala ang gulo kapag first day? tradition na yata ng skwelahan ko kapag unang araw ng klase ay may magsusuntukan sa classroom, magsisigawan sa hallway o kaya'y magrarambulan sa quadrangle.



"Anong sabe mo?! Halika dito!" agad namang hinila ng isa ang buhok ng bakla at nagsimula na talagang mag rambulan, agad namang sinubukan ng guro na nasa gita nila na tigilan sila, tumulong din ang ilang estudyante na kanina'y nanonood lang at kaming natitirang students ay naghihiyawan lang, inaamin ko, mas kawili-wili pa panoorin ang babaeng naghihilahan ng buhok kesa sa mga lalakeng nagsusuntukan. wild.



"Wala pang break time! Inuulit ko po, Wala pa pong breaktime kaya bumalik na kayo sa classroom niyo" sigaw ng isa pang guro na naka megaphone. Parang ewan, naka megaphone na nga pero sumisigaw parin?




Sinimulan na namin maglakad papalayo, bago pa tuloyang sumabog ang eardrums namin sa lakas ng megaphone. "Oh Ano na ngayon? tapos na away ni Shernan at Hazky" umiiling na sabi ni Andrew sa'min



"Gago, pustahan tayo bukas Ronda Roussey at Holly Holm na naman sa basketball court!" dagdag ni Axel, "Ang lakas talaga ng energy niyo kapag sapulkan pinaguusapan eh noh?" sagot ko sa kanila, mabilis na tango naman yung reply nila, sabagay wala na namang ibang nangyayari dito sa school.



"Hay nako, tambay muna tayo sa canteen, nauubos energy ko sa pag cheer eh" pagaakbay sakin ni Axel. Huminto si Andrew at kinuha yung cellphone niya, "Wait lang text ko muna gf ko...papuntahin ko sa may mga..a-acasia tree"



Acasia Tree. Kilala sa pagiging tambayan ng mga walang budget na magka-ibigan. 



Lumaki ang dalawang mata ni Axel at napa buntong hininga "Ay gago gagawin mo lang pala akong third at fourth wheel si Vico?, napakamot nalang din ako sa ulo



"Taga bantay" may pa kindat na sagot ni Andrew. Wow, kapal ng mukha!


You Found A MatchWhere stories live. Discover now