Chapter 5

69 5 3
                                    

Niraramdam ko ang preskong simoy ng hangin na humahaplos sa aking balat.



Dahan-dahan kong nilalanghap ang amoy ng mga sariwang dahon na nasa mga kahoy na napakataas ng sukat.



Nagpasya akong manatili munang nakahiga sa lupang may damong kasing lambot ng bulak.



Binuka ko ng sabay ang dalawang mga mata, ako'y lumingon sa kaliwa at nasilayan ang babae na may gandang nakakamangha.



Siya'y ngayon ko lang nakita, pero bakit pakiramdam ko'y matagal ko na siyang kilala?



Nakakapagtaka. Siya'y walang ginagawa ngunit ang balhibo koy tumatayo sa kaba? Dahil ba sa mapupungay niyang mga mata? o sa ngiti niyang nakakahawa?



Tumayo siya at tumingala, nawawala sa sarili niyang pantasya. Umikot siya at mga mata nami'y nagkita, dahan dahan siyang lumalapit sa'kin at... at... at...



Minulat ko ang dalawa kong mga mata dahil sa ingay ng alarm clock ko. Tangina minsan na nga lang tayo makakapanaginip ng ganun mapuputol pa.




"Tae!" sigaw ko ng ko ng may nakita akong pigurang nakatayo sa harapan ko. Hinampas ko sa kanya ang isang unan ko,"Putek ka Vans! ba't ka nakatayo ng ganyan jan?" tanong ko sa kanya.



Ikaw pa namang bagong gising makakita ng taong nakatayo sa harapan mo na kay haba ng buhok, nakaputing t-shirt at shorts? Tinalo pa ang mag do-doxology neto eh.



"Iniisip ko kase pano kita gigisingin" mahina niyang sagot habang kinakamot ang batok."Huh? inaantok pa koo...umalis ka nga jan! disturbo ka eh" pagtataboy ko sa kanya.



Umupo siya sa kama niya at nagpasyang tuklipin ang mga damit. "Kumain ka pagkabangon mo. Inayos ko na rin yung mga gamit mo, di mo man-"



Bumangon ako at unti-unti kong naunawaan ang mga salitang binibigkas ni Vans. Luminga-linga ako at naghanap ng orasan, tinapat niya ang kanyang suot-suot na itim na relo. 7:20 am. 7:45 assembly namin, shit.



Pero dahil nasa pilipinas ako, siguradong alas otso pa magsisimula, yun nga lang yung guwardya ng pinapasukan ko'y sobrang strikto! kahit ilang segundo ka lang late hindi kana papasukin, daig pa yung principal namin kung maka disiplina!



Tangina first day na first day late na naman tayo Victor? psshh.

You Found A MatchWhere stories live. Discover now