Chapter 4

67 4 1
                                    

Agad naman stinalk yung profile ng babaeng naka match ni Victor. "Yasmine Jade? diba isa yan sa bratz?" tanong ni Rody."Ikaw lang nakaka-relate jan sa pinagsasabi mo Rody, kaya't tumahimik ka nalang pwede?" pangbabara naman ni Randy.



"Tama na yang stalk-stalk mo jan, chat mo na, pina-iingit mo lang kami sa ganda niyan eh" sabi ni Felix. "Gago, di ah! nag-iisip pa ako ng pangmalakasang convo starter! hehe" sagot ni Victor.



"Kahit ano na, sus baka maunahan kapa jan, ganda pa naman niya oh grabe" sabi pa ni Randy.



Pinagmasdan ng puspusan ni Sandro ang kanyang pinsan at tinapik niya ng nasa tabi niya, "Tol, lasing na yan si Victor, magkamali na naman yan, tayo na naman sisihin" bulong niya kay Rody na nagpasimuno ng pagtuturo kay Victor sa Tinder. "Ayan ka na naman sa pagiging paranoid mo, nakaka-bitter talaga siguro ma-iwanan noh?" biro niyang sagot kay Sandro.



"Ayusin mo tol, kasi first impression lasts" singit ni Jonas. "Galing mo talaga mag english kapag hindi kinakailangan noh?" tugon ni Rody kay Jonas at nag-apiran ang dalawa.


"Wala akong maisip na convo starter" tugon ni Victor na kanina pa tinitigan ang kanyang cellphone habang nilalaklak ang hawak-hawak niyang 500ml na bote ng Red Horse



Natahimik ang limang binatilyo ng ilang segundo hanggang nag suggest si Sandro, 



"Ano tol, 'Hello' tapos may question mark"



At ng dahil dun nag suggest na ang lahat



"Hi para simple"



"Dapat astig kaya 'Hey' "



"Mag search nalang kaya tayo sa internet"




"Sent!" sigaw ng bida ng gabi ng matagumpayan na niyang nasimulan ang pag-uusap nila ng 'Girl of her dreams' kuno at tumawa lang ang ibang soltero



"Pustahan tayo, bukas di na niyan matatandaan pinaggagawa niya ngayon" bulong ni Rody sa iba at umalik-ik. "Ikaw may pakana neto ha, responsibilidad mo to! sagot naman ni Felix na nagpakamot sa ulo ni Rody



Ni wala pang isang minuto, may narinig agad silang tunog sa telepono, nagsitayuan ang ibang binatilyo at agad namang pinalibutan si Victor.



Kinukurap ni Victor ang dalawang niyang mga mata, paniniguradong tunay ang kaniyang nakikita. 



Tinitigan ng mga binatilyo ang cellphone at sabay sabay binasa ang reply.



You Found A MatchWhere stories live. Discover now