Chapter 8

32 0 0
                                    

"Nung hinatid ka namin sa bahay ninyo, kase lasing na lasing kana't wala ng malay!" pag kukuwento ni Randy na inemphasize talaga yung 'lasing na lasing'.



Nasa may acasia tree kami ngayon naka tambay, pinabalik ko nalang muna ang kambal sa mga classroom nila kase entertainen ko pa 'tong pinsan kong nabunggo ko, tatanungin ko pa din kung bakit nandito siya at kung bakit may dala dalang siyang walis at dustpan.



"Di namin namalayan yung oras, hatinggabi na pala! Tapos naabutan kami ng mga tanod sa labas ng bahay niyo" dagdag niya habang kumakain ng binili kong sandwich sa canteen, napilitan akong librehan kase kanina pa daw siya nagugutom kakalinis. "Oh, tapos?" tanong ko



Huminga siya ng malalim at tinignan ako ng masama,"Nagsitakbuhan kami, alangan naman magpahuli kami, bobo karin eh noh" sabay batok sa ulo ko.



Tumango lang din ako at nag 'ahh' sa isip. "Namukhaan ng isang tanod si Rody, pinuntahan kami sa bahay sa sumunod na araw! pakshet talaga" pagiiling niyang sinabi



May pag ka unique ang barangay namin. Pag sinabi kong unique, meaning naiiba, bago at hindi pangkaraniwang. Eh kasi nung napalitan na yung matabang corrupt na kapitan, tuluyang nagbago ang lugar namin, naging malinis at maayos pero yun nga lang sa sobrang maayos naging strikto nadin, kahit sunday ma curfew tsk. 



Ayos din kase kapag mga menor de edad ang nakakasala, hindi sila dinadala sa prisinto, pinapa gawa sila ng social works kagaya ng paglilinis sa mga paaralan, sa may plaza oh di kaya'y ginagawang sekretarya ng ibang tanod.



Si Rody yung namukhaan ng isang tanod pero sinabi nalang ng nakakatanda niyang kapatid na siya yun, alam na kasi niyang tatakas at tatakas lang si Rody kapag ganun. Sana ol may Kuya Randy!



Pumalakpak ako sa hanga kay Randy,"Ang loving mo namang kuya! yieeee!" pagtutukso ko kay Randy. "Gago"  ikli niyang sagot.



"So isang buwan kitang makikita dito?" tanong ko sa kanya at uminom ko ng tubig, nabibilaukan na din ako sa kinakain ko. 



"Luluhod ako sa kapitan, magmamakaawa akong na isang linggo nalang, nakakabadtrip mukha mo eh" panglalait niya, pero tumawa lang din naman nung tangkain kung kunin yung nilibre kong pagkain sa kanya.



"Eh yung ano mo, yung si girl of my dreams mo? ni rereplyan ka pa din?"



Di na ako magsisinungaling pa, kinikilig talaga ako pag naririnig ko ang pangalan mo oh di kaya'y tatanungin nila ako tungkol sa'yo, pero pinuputol ng katotohanan ang mga pantasya ko tungkol sayo: promise ko kase nung bakasyon na pag-aaral muna atupagin. Susme! parang tinutupad ko naman mga pangako ko sa buhay!

You Found A MatchWhere stories live. Discover now