RR_Makeover 101

64 2 2
                                    

Chapter XIV


(Sam POV)

Sakay-sakay ako ngayon  sa kotse ni Dustin. Wala akong ideya kung saan kami pupunta. Nakiusap kasi ito sa akin na kung pwede bad aw ko syang samahan kahit sandal. Tutal wala akong shift sa pagtuturo ngayong hapon kaya ayun sinamahan ko na lang. mapilit din kasi ang isang iyun. Mukhang wala sa bokabularyo nito ang basta-basta na lang sumuko.

Inihinti ni Dustin ang sasakyan sa tapat ng isang kilalang boutique. Bumaba sya at pinagbuksan ako. Uissst...gentledog mem!

"Anong gagawin natin dito? Wag mong sabihin na kaya mo ako isinama ay para tanungin ako kung anong fashion style ang nababagay sa yo?..Naku Dustin, naghanap ka na lang sana ng isang fashion designer, sila ang makakatulong sa'yo at hindi ako!" rekalamo k okay Dustin habang binabagtas naming ang pasilyo papasok sa naturang boutique.

"Dami mo naman sinasabi dyan. Basta sumunod ka na lang sa kin okey?" sagot pa niya na nangingiti tapos nagpatiuna nang lumakad.

May kinausap itong bakla. Hindi ako sure, ano! Pero sa tingin ko, sa tingin ko lang naman huh...lalaki ito dati tapos nagparetoke kaya nagmistulang babae ang anyo.

Walanjo! Malakas ang kutob ko, eh! Oo nga nadadaya ang paningin pero ang boses, hindi! Lang'ya! Mas lalaki pa ang ata ang boses nito kesa kay Dustin ehh. Sabay silang lumapit sa kinatatayuan ko.


"O panu Constaccio! Ikaw na ang bahala sa kanya, huh? May tiwala ako sa fashion taste mo! After an hour, babalik ako at susunduin ko na sya. So better do it fast!"

"You're saying bad words again, Dustin Claude! How many times I have to tell you, it's Asia, okey?"he/she took a deep breath. "You may leave the place immediately. Don't worry I'll take care of everything!"

Tumingin sa kin si Dustin.

"Siammy, dumito ka muna, may aasikasuhin lang ako sandal. Babalik din ako agad! Just cooperate with Asia, okay?" ani pa ni Dustin na  para bang inihahabilin ako dun sa retokadang lalaki na nagging babae na ngayon tingnan.

"Yes, Samantha dear! Don't worry we'll take care of you! And after a huge transformation we'll do to you, I doubt Dustin Claude would still got the nerve to leave you behind. Mark my word, dear!" sagot naman nung retokadang lalaki with matching evil grin.

Ano ba kasi ang nangyayari? Ano naman ba ang trip ng Dustin Fleming na ito? Ang sagwa naman pakinggan na inihahabilin pa ako sa kaibigan nitong retokada. Para naming hindi ko kayang alagaan ang sarili ko sa iginagawi nya,eh. Haisst...ituring pa naman ba akong bata!

Naku..naku talaga!..

"I have to go Siammy! Constaccio, I'll take your word! Bye!" si Dustin na nagmamadali ng umalis.

Naiwan akong naguguluhan. Maya-maya, nilapitan ako nung retokadang kaibigan ni Dustin. Kung anu-ano ang kanyang sinasabi. At lahat ng iyon ay wala akong naintindihan. Namalayan ko na lang na biglang dumilim ang paligid . . .










(Dustin POV)


Excited na akong bumalik sa boutique ni Constaccio. He's been tried, tested and trusted in his field of expertise. Maugong na ang pangalan nya sa fashion industry---not as Constaccio but as... Constaccia...ahh este...Asia, for short. The female conversion of his name.

Ragamuffin RoyaltyWhere stories live. Discover now