RR_Somebody That I Used to Know...

73 3 0
                                    

Chapter XV


(Sam POV)


Nagliwaliw ako sa loob ng building na iyon. Hanggang ngayon, amazed na amazed pa rin ako. Sa kakagala ko nga hindi ko na alam ang daan saan pabalik dun sa studio na pinagpraktisan nila Dustin. Kuh... 

Oh sya.. ako na ang walang sense of direction sa araw na ito! Asar!

Napadaan ako sa isang silid! Narinig kong may tumutugtog! Hala? Sarap naman pakinggan! At dahil nananalaytay  sa mga ugat ko ang ugaling pagka-usyoso, kaya hayun sumilip lang naman ako kung sino ang natugtog!

Ohh..lalala! Galing naman nya!..

Nakatalikod sya sa gawi ko! Pero hindi mo maipagkakailang pwede na syang ihanay sa isa ring magaling na Japanese Harpist na si Kaoru Arai! Hanep teh!

She was just playing a popular folk song music entitled Scarborough Fair using harp as the accompaniment. It felt so heavenly! Really! Napa-compliment tuloy ako ng di-oras!


"Hvad en fantastisk ydeevne!" (What a spectacular performance!)

Hala! Nailakas ko pala ang pagsabi. Bigla tuloy siyang nahinto sa pagtugtog at saka lumingon sa gawi ko! Oohh..owww... lagot! Nadistorbo ko pa ata sya!


"Siger du noget?" (You saying something?)


I swear nanalaki talaga ang mga mata ko sa narinig! Hihingi sana ako ng dispensa dahil sa ginawa kong pang-iistorbo sa kanya, kaso naiba naman ang salitang nanulas sa bibig ko. 


"Kan du tale Dansk?" (Do you speak Danish?)

Kaya gayun na alng ang pagkagulat ko ng ngumiti sya at sumagot sa itinanong ko! "Ja, e masse!" (Yeah, a lot!)


Nagpatuloy sya sa pagsasalita. Ang buong akala ko sasabihan nya nakakaistorbo na ako sa kanya. Phew!.. nagatataka lang ako, dahil ipinaliwanag pa nya mismo kung bakit sya maalam sa  ganoong lenggwahe.


"Min more r en Dansker! Hun laerte mig deres sprog. Det er kinda svaert ved forste! Men jeg allerede vaenne sig til det!" (My mother is a Dane! She taught me their language. It's kinda difficult at first but I already get used to it!)


Lumapit na ako sa kinaroroonan nya. Afterall, harmless naman pala ang isang ito! Maya-maya nagtanong sya sa akin.


"Du? Hvordan kommer du forstar mig? Er du ogsa en Dansker?" (You? How come you understand me? Are you also a Dane?)


Errr... Ano bang sasabihin ko? Na isa akong full-blooded Dane and the Crown Princess as well? 'Nu bay an! Di kaya ako pagtawanan nito at pagsabihang isa ako sa mga pakawalang baliw sa mental?!

"Hej! Jeg er en sprogforsker! Jeg har studeret forskellige sprog!" (No! I'm a linguist! I studied different languages!) Hay...white lie na naman ang depensa ko! Hindi pa ngayon ang tamang oras isiwalat ko ang aking tunay na pagkatao.

"Ahh... sa det forklarer det!" (Ahh.. so that explains it!)



Ragamuffin RoyaltyWhere stories live. Discover now