RR_The PSP Ride

67 2 1
                                    

Chapter XXII

"Kumusta ka na Yloise??" anang lalaki na prenteng nakaupo sa swivel chair nya. Nakatalikod ito sa gawi niya.

Lalong kumunot ang kanyang noon g pumihit paharap sa kanya ang lalaki.

"What the hell are you doing here in my office" anya sa tinig na nagpipigil magalit.

"Huminahon ka lang Yloise! Wala akong ginawa na anuman mula sa mga gamit mo." Sabi pa nito na nakangiti ng nakakaloko.

Sa kalagayan niyang iyon ay gusto na niyang manabunot ng tao, dangan at nakapagpigil pa siya. Nagpupuyos pa rin ang kalooban na hinarap niyang muli ang lalaki.

"Umalis ka nga jan sa upuan ko. Lang'ya dinaig mo pa ang pusang-gala kung makapanghimasok ka sa opisina ko." Asik niya dito.

Ngunit parang wala lamang sa lalaki ang mga panunuya at pang-uuyam niya rito. Bagkus, animo'y amused na amused pa ito sa nakikitang pamumula ng kanyang pisngi dahil sa pagka-inis.

"Don't you feel honored, Yloise? Ang opisina mo lang naman ang bukod-tanging pinangahasang pasukin ng isang tulad ko." Kapagkuwan ay sabi nito, may halong panunudyo.

Dahil sa narinig, marahas na napabuga siya ng hangin.

"Ohh..thanks! But no, thanks. Mamatamisin ko pang totoong burglar ang nanloob sa opisina ko, kesa naman sa impaktong pagmumukha mo."

Napansin niyang napangiwi ang lalaki, saka ito tumayo mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair.

Hindi humiwalay sa pagtitig sa kanya ang lalaki habang humahakbang ito palapit sa kinatatayuan niya.

Panay naman ang kanyang pag-atras. Bahagya pa siyang kinakabahan sa ikinikilos nito.

Ano naman bang binabalak nitong gawin??

Dahil sa kaka-atras niya, huli na nang mapagtanto niyang pader na pala ang inaatrasan niya.

Ugh!.. Dead end! Na-corner na siya nang lalaki, nakangiti pa ito ng nakakaloko.

Good gracious heaven!

Lalong lumakas ang tahip ng kanyang dibdib.

Ano na?? Kailangan na ba niyang sumigaw??..

.

.

.

Biglang naputol ang pagtatalo ng kanyang isp nang umalingawngaw sa silid na iyon ang tunog na nagmumula sa kanyang intercom.

"Miss Cindy, the Technical Head on line 2."

Tila nahulasan siya at mabilis na kumawala sa pagkaka-corner sa kanya ng lalaki.

Akmang pipindutin na niya ang button nang bigla itong magsalita.

"Saved by the bell, Yloise. Til next time." Sabi pa nito sabay kindat sa kanya.

Saka ito tuloy-tuloy na tinungo ang pinto at lumabas.










(Sam POV)

Nang makapasok na kami sa loob ng opisina ni Boss Blake, napaupo na lang ako sa couch na naroon. Gusto kong manumbat at magalit kay Blake dahil sa mga kasinungalingang pinagtatahi nito. Mga kasinungalingang sa hinagap hindi ko kailanman kinasadlakan.

Ragamuffin RoyaltyWhere stories live. Discover now